Chapter 33

4.7K 171 10
                                    


Ellyse Villareal

"Risi! Wala siyang girlfriend, sinabi niya sakin na nagdate lang sila pero hindi niya girlfriend yong babae."

Kausap ko sa phone ang kaibigan ko. Nandito ako sa hotel ngayon na tinutuluyan ko.

"Okay. So, ang problema nalang ay ikaw dahil ikakasal ka na."

"Yeah."malungkot na sagot ko. Napasimangot ako mag-isa.

"Anong balak mo? Hihiwalayan mo si Lance?"

Napakagat ako sa labi ko. Paano ko nga ba sasabihin kay Lance ang totoo, na buhay si Thea, na si Thea pa rin talaga ang mahal ko. Paano ko siya iiwan napakabuti niya sa akin. Masasaktan ko siya ng todo.

"Ano ba'ng gagawin ko Risi? Si Thea talaga ang mahal ko."

"Ang tanong gusto ka pa ba ni Thea? Paano kung hindi ka na niya mahal, paano kung naka-move on na siya?"

"Pero Risi, single siya hanggang ngayon. Malay mo galit lang siya sakin pero hindi pa siya nakaka-move on?"

"Iyan ang hindi ko masasagot, sis."

Para akong nanghina. Napahiga tuloy ako rito sa sofa. Kay Thea ako masaya, magkasala man ako di bale na, matagal na rin naman akong nagdusa.

"Risi, aalis muna ako. Bibili ako ng iluluto ko. Ipagluluto ko si Thea. Baka pauwi na yon sa bahay niya."

"Hay naku, ang sis ko ayaw papigil."

Napangiti ako. Ibinaba ko na ang call.

Pumunta ako ng supermarket at bumili ng karne at ibang ingredients. Ipagluluto ko si Thea dahil mukhang hindi siya nagluluto sa bahay niya.

Five thirty ng hapon ako nakarating dito sa bahay niya. Kumatok ako ng ilang beses dito sa pintuan. Hindi siya nagla-lock ng gate kaya madali ako makapasok dito sa bakuran niya.

"Thea?"

Bumukas ang pinto at sumilip si Thea! Katatapos niyang maligo.

"Bakit ka nandito? At ano yang mga dala mo?"

"Bumili ako ng beef sa supermarket. Gusto sana kitang ipagluto. Okay lang ba?"

"May ulam pa ako."

"Thea naman, masasanay ka sa puro reheat na ulam. Ipagluluto kita kaya papasukin mo ako."

Isiniksik ko ang katawan ko dito sa pintuan at wala siyang nagawa dahil nakapasok na ako dito sa loob. Ibinaba ko muna ang bag ko dito sa sofa saka hinanda ang lulutuin ko.

Nandito ako sa harap ng lababo, siya naman ay nagbukas ng Ref para kumuha ng tubig niya.

"Ellyse, okay ka lang ba? I mean, anong paandar to?"

"What do you mean by paandar?"

"Ah wala, anong trip mo?"

"Trip ko magluto. May problema ba?"

Nagkibit balikat siya saka siya umupo sa sofa.

Nagluto ako ng beef stir fry. Nang maluto na ay niyaya ko siyang kumain, hindi naman siya tumanggi. Buti nalang wala si Yulie, kaming dalawa lang ni Thea ang magsasalo para sa dinner.

"Alam mo ba, natuto akong magluto nu'ng nasa States ako. Sana magustuhan mo 'to."

Ako na mismo ang nagsalin ng ulam sa plato niya. Magkaharap kaming dalawa.

"Okay naman ang luto mo."

"Talaga?"

Okay lang daw itong niluto ko, ibig sabihin hindi siya na-amaze. Di bale na, may ibang pagkakataon pa naman para maipagluto ko siya at sa susunod mas sasarapan ko pa.

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon