Chapter 3

9.6K 341 12
                                    


Ellyse Villareal

I've never felt this good in my entire life, her hug makes me feel safe. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at alam kong ramdam iyon ni Thea, lalong humigpit ang yakap niya sakin.

"Better?"

Napangiti ako.

"Better...." sagot ko sa kanya. Thea's arm was my special place at alam kong safe ako habang kasama ko siya.

"You need to take a rest, kung ano man ang pinagdadaanan mo. Iiyak mo lang, Everything's going to be fine."

"I hope so."

"Parang ang lalim ng pinanghuhugutan natin, ah." Natawa ako, at ngayon ko lang ulit naranasang matawa.

"See? Tumatawa ka na, malapit ka nang maging okay."

"Sana noon pa kita nakilala. Sayo lang pala ako matatawa."

"Aha! So nakahanap ka ng clown na magpapatawa sayo?"

"Of course not, hindi ka clown and I'm happy na ikaw ang nakabungguan ko. Kung iba siguro baka sinagasaan na ako. Baka pinaglalamayan na ako ngayon ng mga pusa."

Natatawa siya.

"Hindi mangyayari iyon sa iyo. Pagsubok lang yan. Kaya laban! Okay? Paano magluluto muna ako sa ibaba kasi baka umagahin na tayo di pa tayo kumakain." Ngumiti ako at tumango. Habang nagluluto siya, naligo na rin ako at nagbihis. Isinuot ko na yong damit na ibinigay niya sa akin. Umupo muna ako rito sa gilid ng kama. Hindi man ito kasing lambot ng kama na nakasanayan ko, but it was the best experienced. Pakiramdam ko nakalaya ako. I can finally breathe.

"Ellyse okay ka lang?" Hindi ko man lang napansin na nakadungaw na sa pinto si Thea.

"Uhh yeah. Okay lang ako."

"Nakahanda na yong food, tara?" Paglabas ko ng room may maliit na dining table, good for two person. Nakahain na nga ang mga pagkain.

"Kumain ka ng marami, para lumakas ka agad at gumaling yang mga sugat mo."

"Thea, I'm fine. Thank you sa pag alala at salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa bahay mo."

"You're welcome. By the way, okay lang ba itanong kung anong plan mo kapag totally gumaling ka na?"

"Uhh, I don't have plans yet. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta." Parang nagtataka itong napatingin sa akin.

"See, hindi mo alam kung saan pupunta tapos gusto mo iwanan ka namin sa convenience store?"

"Nahihiya kasi ako sa inyo."

"Kung pumayag pala ako sa gusto mo at may nangyaring hindi maganda sayo. Alam mo sisisihin ko ang sarili ko."

"No, huwag mong isipin iyon. Hindi mo ako obligasyon."

"Yeah, pero ayoko na may mangyaring masama sayo. Okay?" Naiiyak ako pero pinilit kong itago yong emotion ko. Bakit sa ibang tao ko pa nararamdaman na mahalaga ako na iniingatan ako?

"So talagang wala ka nang babalikan?"

Umiling ako.

"Maybe I can help you sa negosyo mo? Baka pwede akong mag apply sayo? Kahit anong work. Kahit walang sweldo, basta huwag mo lang akong paalisin."

"Saka mo na yan isipin kapag magaling ka na. Sa ngayon magpalakas ka muna at magpagaling." Pagkatapos namin kumain, nag offer ako na ako na ang maghuhugas ng mga plato.

"Bakit marunong ka ba?"

"Uhh, yeah?"

"Yeah? Patanong yon, eh. Hindi ka sure?"

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon