Ellyse VillarealKatatapos ko lang makipagdeal sa isang client. Nakabenta ako ng isang condo unit na malapit sa SM North.
Pauwi na ako, gamit ko ang sarili kong kotse. Paminsan-minsan lang ako lumalabas ng bahay kapag kailangan kong makipag-meet sa clients. Usually nasa harap lang ako ng laptop, hawak ang phone at tumatawag sa mga prospect clients. Karamihan sa kanila ay galing ibang bansa, o kaya ay referred by friends kagaya nila Risi at mga classmate ko noong college.
Naabutan ko si Thea rito sa may likod ng building, kasama niya ang mekaniko habang sinisilip nila ang engine ng kotse na inaayos nila ngayon.
Ngumiti siya at sumenyas na hintayin ko siya saglit kaya naghanap muna ako ng mauupuan rito.
Habang hinihintay siya ay hinanap ko ang facebook account ni Ross hindi kasi kami friend sa FB. Nag send ako ng 'hello' sa kanya at na-seen naman niya agad ito, saka ko siya sinubukang tawagan via messenger call.
Nagring ang kabilang linya, ilang saglit pa ay sumagot na siya.
"Hello?"
"Ross...."
"Ellyse ikaw ba talaga yan?"
"Yes, it's me."
"Napatawag ka?"
Huminga ako ng malalim.
"Well, gusto ko lang magpasalamat sayo. Sa kabila ng lahat, kahit sinaktan mo ako, ikaw pa rin ang nagligtas sa buhay ni Thea, hindi ko yon makakalimutan. Thank you..."
Tahimik si Ross sa kabilang linya, pero naririnig ko ang munting paghikbi niya.
Kahit ako hindi ko mapigilan ang maluha.
"Dahil naawa pa rin ako kay Thea kahit diring-diri ako sa realsyon niyo, sinubukan ko pa rin siyang iligtas dahil hindi niya deserve ang ganong treatment. I'm sorry, ako ang dahilan kung bakit ka nagdusa ng matagal, ngayon ko labis na pinagsisisihan ang ginawa ko, I'm sorry, Ellyse."garalgal ang boses niya.
"Ross, you're forgiven, okay?"
Pareho kaming umiiyak habang magkausap sa phone.
"Balik na tayo sa dati, hindi na ako mandidiri sayo, Ellyse."
"Akala ko nga gay ka Ross kasi ang arte mo."
"Shut up! Hindi ako gay!"sigaw niya.
Pareho kaming natatawa habang umiiyak, at patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Mixed emotions na rin siguro ito.
"Ikamusta mo ako kina Kuya Mico at Kuya Leon. Pakisabi masaya ako sa piling ng taong mahal ko."
"I will."
Doon nagtapos ang pag-uusap namin ni Ross.
Hindi ko alam na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Thea. Nakikita niya ako na nagpapahid ng luha.
"You okay?"
Tumango ako.
"Thea, nagpatawad na ako."
Lumuhod siya sa harapan ko habang nakaupo ako rito.
"So anong pakiramdam mo?"
"Better. Thank you Thea. Hindi mo ako tinuruan na kamuhian ang mga taong nanakit sa atin, lalo na sa iyo."
"Shhh....tama na, huwag ka nang umiyak."
Hinila niya ako at pareho kaming napatayo, niyakap niya ako ng mahigpit.
Kung tutuusin, mas nauna pang magpatawad si Thea na siyang pinagtangkaan ang buhay. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi ko matutunan ang magpatawad.
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...