From sleeping beauty to waking lady, eyes up open.
From being cold to warm, una akong sinalubong ng kadiliman. But I could feel the coldness of my surroundings. Unti-unti akong nagmulat ng mata at unang nasilayan ang isang kulay puting kisame. Ramdam ko ang nakahiga kong posisyon at kahit gusto mang galawin ang katawan, daig pa nito ang yelo na parang hindi ko maigalaw dahil sa pamamanhid. Para akong nanghihina. Mata ko lang ang tanging naigalaw ko para tumingin sa paligid. Tanaw at ramdam ko rin ang nakalagay na oxygen mask sa aking bibig.
Biglang umikot ang paligid kaya kusa akong napapikit para pigilan ang nangyayari. Para bang umiikot ang lahat ng nakapalibot sa akin, lumalabo rin ang aking paningin at may naririnig akong mga boses. Tila may mga taong sabay-sabay na nagsasalita. Yung iba, malakas. Yung iba, mahina ang boses. Pero kahit naririnig ko sila, hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Malamig na ang kinahihigaan ko, mas lumalamig pa ang pakiramdam ko.
Nanatili akong nakapikit para hindi na lalong mahirapan. Kahit gusto kong takpan ang magkabilang-tainga, hindi naman ako sinusunod ng aking mga kamay. Basta, hindi ako makagalaw. Unti-unti kong iminulat ang mata hanggang sa humihina na ang mga ingay sa paligid. Tila bumabalik sa normal ang lahat.
Narinig ko na lang na may kung anong bumukas. Ibinaling ko ang pagtingin sa pinanggalingan ng ingay at natanaw sa gilid ang pagbukas ng isang pintuan. May isang lalaking pumasok. Lumapit siya habang nakatingin sa akin, ganon din naman ako sa kanya. Malabo ang paningin ko kaya hindi ko siya matanaw ng maayos.
Tumigil siya sa aking tapat. Tila ba pinapanood niya lang ako at nakatitig lang kami sa isa't isa. Slowly, nakuha ko na siyang makita ng maayos. May suot siyang maskara na kulay puti at pansin kong nakaputing long sleeves din siya at nakaitim sa pambaba. Bukod pa doon, may suot siyang silver na kwintas na kasalukuyang gumagalaw lalo pa't yumuko siya para tapatan ako. It's as if mas maayos niya akong tinititigan ngayon. Pero sino siya?
"Finally, you're awake," saad niya at bahagyang ngumiti. Nakita ko pa nga ang kasama niyang lalaki sa likod. Hanggang balikat ang itim na buhok at nakamaskara ngunit kulay itim maski ang suot nitong long sleeves. Nakayuko lang ito at animoy naghihintay.
Tumingin ang lalaking katapat ko sa likuran niya at hinila ang isang upuan. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay, "Akala ko kailangan ko pang maghintay ng matagal bago ka magising, but now I feel glad that your eyes are finally open," sabi pa niya. Nakatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.
Normal ba 'to?
Siguro?
"May masakit ba sayo?" tanong pa niya. Mahina ang boses nito na parang alalay pa sa pakikipag-usap sa akin. Uhm, di naman ako makakapagsalita kung may harang ako sa bibig kaya pinilit kong pagalawin ang kabilang kamay.
Nanginginig pa nga ito dahil siguro sa panghihina ko. Inalis ko ang oxygen mask at tinulungan naman niya ako kaya mas mabilis ko 'yong natanggal. Napapikit na lang ako dahil mas nakahinga pa nga ako ng maluwag ngayon kumpara kanina. Malalim akong huminga at tinignan siya.
Pagkatapos noon, napagpasyahan ko na ring maupo. Ewan ko ba, feeling ko ang tagal kong nakahiga kaya halos manigas na ako at hindi makagalaw. Inalalayan naman niya ako agad. Tumulong na rin ang kasama niyang lalaki. Nilagyan nila ako ng unan sa likod kaya doon ako sumandal.
"P-Pa— " magsasalita sana ako kaso parang balbal din ang boses ko at halos hindi na maglabas ng tunog. Umubo pa ako ng ilang beses para ayusin ang pagsasalita. Tinignan ko ang paligid. Halos kama lang ang nandito at dalawang maliit na lamesa sa magkabilang-gilid ng kinahihigaan ko. May bintana din sa bandang paanan ng kama pero kasalukuyang nakasara. Ni wala akong makita sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/316823728-288-k348024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)
ActionOnly a few knows about the black market hiding beneath the fire island of the El Nostra Mafia. As the rose opened her eyes, how would she accept the fact that the lost memories she had would lead her home once again through a forgotten melody? Date...