TBRE: 21

58 4 0
                                        

Hindi ko alam kung anong nangyari, basta sa pagkakatanda ko, nananaginip ako hanggang sa mapunta ako sa isang sitwasyon na hindi ko inaasahan. Nagising ako sa isang malakas na tunog na tila may pagsabog hanggang sa nagliwanag at naihagis ako sa kung saan. Napahiga ako sa magaspang na sahig. Tila nililiguan na rin ako ng sandamakmak na mga kahoy, maliliit na bato at pulbura ng semento. Malabo ang paningin ko at hindi ko matanaw ng maayos ang paligid. Maski ang aking pandinig ay tila nawala. Pakiramdam ko ay nabingi ako ng wala sa oras dahil sa nangyari.


Baka nananaginip lang ako?


Pinilit kong umupo. Bawat sulok ata ng aking katawan ay masakit, ramdam ko pa ang hapdi ng aking balat. Tinignan ko ang aking kabuuan na ngayon ay madungis, sugatan at dinurugo ang ibang parte. Dahan-dahan kong hinawakan ang gilid ng noo gamit ang isang kamay, "Ahh!" agad kong iniiwas ang kamay dito at tinanaw. May dugo. Dinurugo ako sa ulo. Pero ano bang nangyari? Hindi lang ba 'to isang panaginip?


Pilit kong pinagmasdan ang kapaligiran. Sira ang paligid. Ang puting kwarto kung saan ako nananatili ay ngayong sira na. Tila gumuho ito at ngayon ay kitang-kita ko ang paligid kung saan mas mataas sa kinatatayuan ko. Wala na rin ang mga pader at pinto kung kaya't tanaw ko ang ilang nasusunog na parte ng lugar. Mas mataas ang paligid ko kumpara sa kinaroroonan ko.


Hindi man madali para sa aking sitwasyon, pero pinilit kong tumayo. Maski ang pagkahawak nga ng mga kamay ko sa sahig ay mahapdi. Halos hindi ko rin magawang tumayo ng maayos. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi man diretso ang paglalakad, itinuloy ko na lang. Sumabay pa ang panginginig ng katawan ko dahil sa ingay kanina. Hanggang ngayon ay kinakabahan ako. Nakakarinig rin ako ng mga umiiyak at humihingi ng tulong. Hindi ko man sila makita pero naririnig ko sila at alam kong malapit lang sila sa akin.


Naghanap ako ng daanan paakyat, buti na lang dahil sa gumuhong kisame, nagkatumpuk-tumpok ang ibang gamit kaya mas malaki ang posibilidad na makaakyat ako. Ito ang gagawin kong hagdanan.


"Dito! Marami pang nadaganan dito!" dinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa taas. Imbis na dumiretsong umakyat ay nagtago ako sa ilalim ng isang malaking bakal. Naririnig ko ang papalapit na mga yapak sa kinaroroonan ko. Saglit akong sumilip at natanaw ang halos iisang grupo ng mga naka-puting lalaki at babae. May dala-dala silang mga stretchers at dinaanan ang kinatatayuan ko. Pansin ko rin na tila ako lang ata ang nandito sa baba at parang nasa taas lahat ng tao. Nagmamadali sila sa paggalaw habang maingat na inilalagay ang isang sugatan na lalaki sa stretcher. Umiikot man ang paligid pero binilisan ko ang galaw upang tuluyan nang makalayo sa kanila.


Si Liam kaya? Nasaan na siya?


"I told you many times, Mr. Vasquez, that I will make it up to you. Just give me one week to fix this matter," I explained as I am having a convo with the head of the Department of Agriculture. We are currently inside the warehouse where his team were supposed to be negotiating the said but lost products of my farmers.


"One week, Liam? Tingin mo ba ganon kadali ang pagpapatayog ng mga pananim? You promised this products to us then malalaman kong nawala pala lahat?" he asked in an unexpected tone.

 
I am currently with my two men beside me, all in their formal suits. Mr. Vasquez has two on his side too, wearing their white long sleeves and wireless earpods in their ears. We are both holding high positions and there must not be without guards.

The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon