Ilang beses ko pang kinusot ang mata ko habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng daan. Malamig man ang simoy ng hangin pero hindi nito matatauban ang init ng kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Para akong bata na nakasunod lang sa kanya.
"Ano ba kasi 'yon, Liam? Gabing-gabi na tapos naglalakad pa tayo rito," reklamo ko. Kami lang ang nasa daan ngayon at mukhang tulog na ang lahat. Wala na kasing nakasinding ilaw sa mga kubo. Maski ang mga alaga nila ay hindi pakalat-kalat sa garahe maliban sa mga asong tumatahol.
"Don't worry, cloud nine. We're near and I'm sure you're gonna love it."
Saglit ko siyang tiningala habang nakanguso, "Ih Liam bukas na lang, inaantok pa ako. Matulog na tayo."
"No, it's now or never, so wake up, sleepyhead," mahina niyang pinitik ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at napahawak dito.
"Aray naman, napapano ka ba?!"
Nakangiti lang siya at parang na-eexcite na hindi ko maipaliwanag. May saltik na ata 'tong si Liam eh? Sarap ng tulog ko, ginising ako ng wala sa oras.
Muli niya akong hinila kaya napasunod ako sa kanya, "Saan ba kasi tayo pupunta at kailangan na ngayon na? Pwede naman bukas o kaya sa susunod na bukas. Gabi na Liam oh," pagsasalita ko. Masyado nga rin ata akong maingay kaya nagsisi-kahulan ang mga aso sa paligid.
"I promise, you won't regret this day," saad pa niya. Kahit naman umayaw ako, hindi ko basta-basta maalis ang kamay niya sa akin lalo na't mahigpit ang hawak niya rito. Para akong bata na mawawala sa kanya kung makahawak sa akin.
Habang nananatili ako sa pagsunod sa kanya, inilibot ko ang tingin sa paligid. Mapupungay pa nga ang aking mata dahil bigla niya akong ginising. Ang pagkusot ko sa mga mata habang naglalakad kami ay natigil. May narinig kasi akong kakaibang ingay, parang maraming mga tao. Sa pagkakaalam ko naman, gabi na kaya imposibleng may mag-iingay sa paligid unless may party.
Habang patuloy sa paghila sa akin si Liam, napako ang paningin ko sa isang kubo na may distansya mula sa ibang mga kubo na halos magkakadikit. May ilaw sa loob noon, "Hmm, Liam?"
Pinilit kong tumigil sa paglalakad habang doon ang tingin. Natigilan din si Liam at napatingin sa akin, "What is it?"
"Tignan mo oh?" sabay turo ko sa direksyon na kanina ko lang nakita. May nakatayo kasing lalaki sa loob ng kubo, at mukha siyang pamilyar sa akin.
Sinundan na rin ni Liam ng tingin ang tinuturo kong direksyon, "Kamukha ni Spencer 'yon oh," pahayag ko na nanlalaki ang mata. Malapad akong napangiti.
"Yes, because it is really Spencer," sagot niya.
"Weh?!" nanlalaki ang mata kong hinarap siya, "Si Spencer 'yon?" ibinalik ko ang tingin sa lalaki at tama nga ang hinala ko, "Si Spencer nga! Bakit siya nandito? At saka anong ginagawa niya?" nanliit ang mata ko para mas makita ng maayos ang ginagawa niya sa kubo.
![](https://img.wattpad.com/cover/316823728-288-k348024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)
ActionOnly a few knows about the black market hiding beneath the fire island of the El Nostra Mafia. As the rose opened her eyes, how would she accept the fact that the lost memories she had would lead her home once again through a forgotten melody? Date...