Nasa harapan ako ng isang building habang nakatingala rito. Sa sobrang taas nga ay halos sumakit na ang aking leeg. Simula kasi nang makita ko ang mga billboard, hindi na mawala sa isip ko ang itsura ng babae. Tila matagal ko na itong kilala at sobrang pamilyar siya sa akin.
Kusa akong napahawak sa aking dibdib habang ramdam ang malalim na paghinga. Mas lalo akong nagka-interes sa modelong 'yon nang banggitin ni Scout ang ngalan nito.
Itinuon ko ang pansin sa salaming pintuan at labas-pasok ang mga tao, maaaring empleyado rin ang mga ito. Nagpasya na akong maglakad papasok sa loob. Walang nakabantay sa pintuan kaya malaya akong nakapasok. Ni wala ngang humarang sa akin eh.
Tuluy-tuloy ako sa paglalakad nang makapasok sa loob. Hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid dahil sa ito ang unang beses ko na makapunta ng mag-isa sa isang hindi pamilyar na lugar. Pero ang weird nga rin sa feeling, para kasing nakapunta na ako rito date. Hindi ko lang matandaan. Basta, magaan ang loob ko sa lugar na ito.
"Aray!" habang abala sa paligid ay bigla na lang akong napaupo at nauna ang pwet ko sa sahig nang bumagsak ako rito. May nabangga kasi ako na matigas na bagay. Hindi ko alam kung poste ba o ano.
"Miss, are you okay?" dinig kong boses ng isang lalaki. May pagka-malumanay ito. Pagtingala ko ay may isa ng kamay ang nakalahad sa akin. Sa harapan ko ay isang matipunong lalaki. Naka-puting polo ito at itim na pantalon. Sobrang gwapo nga niya kahit naka-itim na shades at ang bango pa.
Masyado na ata akong naging abala sa pagtitig sa pamilyar nitong mukha kaya hindi ko nakuhang hawakan siya. Kusa itong lumapit at hinawakan ako sa magkabilang-braso para alalayan ako sa pagtayo, napasunod na lang ako sa ginawa nito at pinagpag ang damit ko nang tuluyang makatayo.
"Are you hurt? Gusto mo ba dalhin kita sa hospital?" tanong pa niya at nang tignan ko siya ay tinitignan rin ako nito mula ulo hanggang paa. Mukhang may pag-aalala sa kanyang boses.
"H-Hindi, okay lang ako," pag-iling ko. Ewan ko ba, parang namamagnet ang mata ko sa kanya.
"I see. Buti at ayos ka lang, I'm so sorry kung nabangga kita. Nagmamadali kasi ako."
"Okay lang," sagot ko, "Kasalanan ko rin naman at hindi ako nakatingin sa daanan."
"But can I ask kung bakit nandito ka? Are you an employee here?"
"Hindi," umiling ako, "Actually, first time ko lang dito. May hinahanap kasi ako."
"I know almost everyone here. Akala ko tuloy ay bagong empleyado ka. Sino bang hinahanap mo? I can help you if you want."
"Akala ko ba ay nagmamadali ka? Paano mo naman ako matutulungan?" pinagloloko ata ako nito eh?
"Yes, kanina. But now, there's no need," pansin ko rin na nakangiti siya buong oras. Naalala ko tuloy yung makulit at maingay na si Chadwick.
BINABASA MO ANG
The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)
AksiOnly a few knows about the black market hiding beneath the fire island of the El Nostra Mafia. As the rose opened her eyes, how would she accept the fact that the lost memories she had would lead her home once again through a forgotten melody? Date...