"Roz, halika na at kumain na tayo," sabay kaming napatingin ni Melody sa labas nang sumilip si Tita Sennie. Hawak-hawak niya ngayon ang kurtina, wala naman kasing pintuan ang kwarto. Naglalaro si Melody ng mga barbie at manika dito sa kama at magkasama kami, "Tawagin mo sina Boss Trent at Shawn sa labas," nilapitan kami ni Tita at medyo hininaan ang boses.
Nakaupo kami sa kama habang nakatayo naman si Tita, "Bakit po? Umalis po ba sila?" pagkunot ng noo ko.
"Hindi, pero nasa labas sila. Alam mo kasi, kung sina Boss Chadwick at Shivan ay nakakabiruan namin dito, ibahin mo ang dalawa na 'yun. Madalas silang magkasama pero minsan lang makisama sa ibang tao. Kaya ayun, lumabas sila kanina. Mas mainam kung ikaw na lang ang tumawag sa kanila."
Tumango ako at hinarapan si Melody, "Let's go na, baby? Kakain na raw."
Ibinaba niya ang hawak nitong barbie na ngayon ay punung-puno ng makukulay na pang-ipit, "Okay, mommy!" pagngiti nito.
"Sama ka muna kay Lola ha? May pupuntahan si Tita Roz mo," dagdag ni Tita Sennie.
Sabay kaming tumayo at sinuot ang mga tsinelas namin. Hinawakan ni Tita si Melody sa kamay at nauna na silang lumabas. Dumiretso sila sa lamesa kung saan ay nakahapag na ang isang kaldero na siguro ay kanin ang laman, dinig ko ang pagkakalampagan ng mga plato at baso sa kusina kaya malamang ay nandon sina Terrence at Tita Don.
Dumiretso ako sa labas para hanapin ang dalawa. Sinalubong ako ng malamig na hangin paglabas ng kubo. Palinga-linga ako ng tingin sa paligid at bahagyang nanlisik ang mata nang makuha ng puno sa tabi ng kubo ang aking atensyon.
"Si Awl ba 'yon?" may maliit na kung ano kasing nakasabit sa isa sa mga sanga noon. As usual ay malaki ang mga mata nito na tila sa akin pa nakatingin. Iniwan ba ni Keshawn ang alaga niya roon?
Nilapitan ko ang puno at tiningala ang maliit na hayop. Si Awl nga, "Awl, anong ginagawa mo dyan? Asan si Keshawn?" tanong ko. Hindi naman ako nito sinagot.
Patingin-tingin ako sa paligid na bumalik malapit sa pintuan ng kubo hanggang sa tuluyan akong mapaatras at matigilan. Isang matigas na bagay kasi ang nakatutok sa mismong noo ko.
Halos lumabas ang puso ko sa dibdib dahil sa sobrang pagkabog nito. Sumalubong sa akin ang malamig na titig ng isang hindi kilalang lalaki sa harapan ko. May hawak siyang baril at nakatutok sa akin. Nakatalikod ako sa pintuan ng kubo ngayon.
Napahakbang ako paatras nang humakbang siya pasulong sa akin, "S-Sino ka? Anong kailangan mo?" puno man ng kaba ay hindi ko pinahalata.
Nakuha kong makita ang kabuuan niya. Pormal ang kanyang suot, kagaya ng suot ni Liam noong may dinner celebration sila sa mansyon. Nakasalamin ito at magulo ang itim na buhok, "Ikaw, sino ka?" tanong niya pabalik. Hindi man seryoso ang mukha ngunit nakangisi siya ng masama. May nakasalpak na sigarilyo sa gilid ng bibig niya. May tattoo rin ito na ahas sa kanyang leeg na kahit natatakpan ng damit ay kitang-kita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/316823728-288-k348024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)
AksiOnly a few knows about the black market hiding beneath the fire island of the El Nostra Mafia. As the rose opened her eyes, how would she accept the fact that the lost memories she had would lead her home once again through a forgotten melody? Date...