"I have to leave for a while, Miss Roz," mula sa pagyuko ay tiningala ko si Yoshi. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakaupo naman ako sa gilid ng kama. Dinala niya ako rito sa ospital at tila nasa private room ako dahil malawak ang paligid.
"Kaibigan niyo ba yung mga tao kanina dun sa mansyon, Doc?" tanong ko. Nagtataka lang kasi ako kung bakit ang dami nila at mukhang galing lahat sa abroad.
"Yes," tumango siya. Unusual, hindi nito suot ang pang-doktor niyang pamorma. Nakaputing polo siya at itim na pantalon.
"Yung mansyon, kanino 'yon?" tutal ay ayaw naman sagutin nila Art ang mga gusto kong itanong kanina, sa kanya ko na lang tatanungin.
"It's Sir Liam's," maikling sagot niya.
"Oh," napatango na lang ako, "Bakit pilit nila akong pinapaakyat kanina at bakit parang nakakita kayo ng multo nung nakita niyo ako? May problema ba sa mukha ko, Doc?" hindi ko mapigilang malukot ang mukha.
Baka kasi may dumi na pala sa mukha ko na kung ano at nakakatakot akong tignan, "No, miss. Walang problema sa mukha mo. You are beautiful, Miss Roz," nakangiti nitong saad.
"Eh bakit ganon lahat reaksyon niyo kanina?"
"We were not expecting to see you, Miss Roz. Since you've been gone for a while."
Sandali akong napatingin sa taas, "Eh yung babae kanina?" hinarap ko siya, "Sino 'yon? Parang mas doble nga ang takot niyo nang makita siya eh," sa totoo lang ay napaka-ganda ng babae na 'yun. Mukha siyang chinese dahil sa singkit nitong mata, pero bakit mukhang takot ang kanilang mukha?
"Uhm sorry, Miss Roz. But I really have to leave and meet them, you can ask Sir Liam once he's here," tinignan niya ang relo nito.
Nginitian ko na lang siya at tumango, "Sige."
Parang ilang silang sagutin ang lahat ng tanong ko. Puro na lang si Liam ang sinasabi nila eh wala nga siya rito. Mas magandang huwag ko na rin isipin ang tao na 'yon. Hindi ako makakalimot sa binitawan niyang salita. Mas lalo lang bibigat ang loob ko kung aalalahanin ko pa siya.
"I'll be sending someone here to guard you. Pupuntahan ka rin ni Sir Liam at huwag kang aalis hanggat wala siya, Miss."
"Okay," tipid kong sagot na pilit ngumiti.
Tumingin ulit siya sa relo at saka ako tinalikuran na tila nagmamadali hanggang sa magsara ang pintuan. Tuluyang nawala ang ngiti ko na kanina ko pa pilit na pinapakita sa kanya. Naghintay muna ako ng ilang segundo bago napag-pasyahang tumayo at lumapit sa pintuan. Sinubukan kong ikutin ang door knob. Good thing na hindi ni-lock ni Yoshi. Kusa akong napangiti.
Binuksan ko ang pintuan at sumilip sa labas, medyo tahimik at parang wala masyadong tao dito sa private area maliban sa public na dinaanan namin kanina. Mas maraming tao doon kumpara rito. Binigyan rin pala ako ni Yoshi ng tsinelas kaya suot ko ito ngayon. Nakatapak lang kasi ako kanina sa mansyon, buti at hindi nila masyadong napansin. Dahan-dahan akong lumabas at tahimik na isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)
AçãoOnly a few knows about the black market hiding beneath the fire island of the El Nostra Mafia. As the rose opened her eyes, how would she accept the fact that the lost memories she had would lead her home once again through a forgotten melody? Date...