TBRE: 8

70 4 0
                                        



"Nakakainis naman yung si Art, parang lalabas lang eh," saad ko habang kunot ang labing nakaupo sa kama. Nasa sahig ang aking paanan at nakatanaw sa pintuan. Paano ba naman kasi dinalhan lang ako ng pagkain tapos hindi man ako pinakinggan.


Lagot talaga yun sa akin, aawayin ko siya kapag nakita ko.


Flashback...


Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok, "Art!" salubong ko na nginitian siya. Tumayo ako mula sa kama at nilapitan ito. Parang bigla akong natuwa. Nakakalungkot kasi pala lalo na't ako lang palagi mag-isa. May hawak ulit siyang tray kung saan may plato na may white pasta at isang basong tubig.


"Akin ba yan?" nasisiyahan kong tanong.


"Yes, Miss Roz. Habilin ni sir Liam na dalhan ka palagi ng pagkain," tumango siya at inilapag yon sa bedside table kaya sinundan ko siya at saka ako naupo sa kama. Seryoso lang siya at hindi ako nginingitian. Halos nakayuko lang din siya tulad noong una.


Hinawakan ko naman agad ang tinidor hanggang sa maamoy ang mabangong aroma ng pasta. Inikut-ikot ko muna ang pasta sa tinidor at aktong isusubo, bigla akong natigilan. Hinarap ko siya.


"Art, pwede bang sa labas ko na lang to kainin?" excited kasi akong makalabas at gusto kong makita ang dagat.


Yumuko siya, "I'm sorry, Miss Roz. Now is not the right time for that."


Napasimangot ako, "Ih, bakit? Lalabas lang naman eh. Bawal na ba kumain sa labas?"


"I suggest you finish your meal," sagot niya sa magalang na paraan.


Ngumiti ako ng malapad, "Tapos pwede na akong lumabas?" yumuko lang siya at hindi sumagot. Silence means yes. Kaya dali-dali ko namang inubos ang pasta habang nakabantay siya. Sobrang sarap nga ng pasta eh. Hinawakan ko pa ang plato gamit ang isang kamay, ang kabilang kamay ko naman ay hawak ang tinidor at saka ko itinaas pareho para ipakita sa kanya.


"Gusto mo?"


Umiling siya, "Bakit, Art? Hindi ka ba nagugutom? Ang sarap kaya nitong pasta."


Bahagya siyang napaubo at nagtakip ng bibig gamit ang isang kamay, "No worries, I'm full, Miss Roz," sagot niya.


"Okay," tumango ako at tinuloy ang pagkain na ipinatong ang plato sa hita. Habang ninanamnam ang pasta, nakatayo lang si Art.


"Di ka ba uupo?" pagtingala ko sa kanya. Baka kasi nangangawit na siya dyan. Hindi naman niya ako sinagot.


The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon