TBRE: 4

73 5 0
                                    


Pagkamulat ko ng mata, kagaya noong una ay sinalubong ako ng puting kisame. Nakalagay rin ulit ang oxygen mask sa bibig ko. Sandali akong huminga ng malalim at inalis 'yon bago dahan-dahang umupo. Nanlalambot pa nga rin ang kamay ko. Hays, ilang oras na ba ako nakatulog? Inilibot ko ang tingin pero wala namang orasan sa paligid. Ano 'yun, kailangan ko bang manghula ngayon ng oras?

Tinignan ko ang paligid. Kama, bedside table, aircon, pinto at bintana lang ang nandito. Nagbuntong-hininga ako at inilapag muna ang dalawang paa sa sahig bago dahan-dahang tumayo. Ramdam ko pa nga na nanghihina pa rin ako. Para bang hindi ko pa talaga makontrol ang katawan ko. Sinubukan kong tumayo habang nakahawak sa kama, at tama nga ako.

Nawawalan ako ng balanse at kung wala lang ang kama, kanina pa ako natumba. Humakbang na rin ako papalapit sa bintana dahil pansin ko na parang maliwanag sa labas. Pagkasilip ko doon, literal akong napanganga at napatitig sa tanawin. Kahit nahaharangan ng iilang halaman at matataas na damo ang bintana, nakikita ko ang sa labas. Ang gandaaa!

Dagat ang nakikita ko at may mga iilang barko na papalayo at paparating sa kinaroroonan ko. Kung ganon, tama nga si Liam. Nasa isla nga talaga ako. Malapad akong napangiti at sinubukang buksan ang bintana para sana lasapin ang hangin pero hindi ko naman mabuksan kaya sandaling nawala ang aking ngiti. Napasimangot ako. Sayang naman. Mas maayos ko kasing makikita kung nakabukas ang bintana. Andaya naman ih.

Tumalikod ako dahil parang gusto kong lumabas. Gusto ko kasing makita ang dagat ng mas maayos at mas malapit. Makapag-swimming na rin dba? Ginabayan ko ang sarili papalapit sa pintuan. Aktong hahawakan ko ang door knob ay kusang bumukas kaya halos napaatras ako at tuluyang nawalan ng balanse.


Hinintay ko pang makaramdam ng sakit pero hindi naman ata ako natumba... nang tignan ko, may nakahawak na sa isa kong braso. Tumingala ako at nakilala ko naman ito agad.


"Art?" tanong ko.


Binaba niya ang kamay at tinignan ako mula ulo hanggang paa, "Are you hurt, Miss Roz?" tanong niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik at napangiti. Wow, buti na lang dumating siya. Kundi, natumba na ako.

"Sir Liam asked me to give you breakfast, Miss," nilahad niya pa ang hawak niyang tray sa kabilang kamay. Napatingin ako roon at nanlaki ang mata. Luhh, ang sarappp! May pancake with butter sa taas at maple syrup, puno rin ng cream sa gilid at tatlong strawberry. May baso rin ng tubig.

"Wow, akin ba yan?!" nalalasap pa nga ako. Yiiieee.

"Yes," napayuko pa siya at nilagpasan ako para ipatong 'yon sa bedside table kaya sinundan ko siya ng tingin. Hinarapan niya ulit ako, "Are you hurt, Miss Roz?" tanong niya ulit habang tinitignan ang kabuuan ko. Ngumiti ako at inilingan siya.

"Hindi naman siguro," kusa na lang akong napalingon sa likuran at nakitang may hagdanan papaakyat para lang makalabas. Sa dulo noon ay may pintuan ulit. Para bang mababa ang kinaroroonan ko. Hindi man sa plano pero gusto kong silipin ang nasa taas. Napahakbang ako papalapit doon hanggang sa mabigla na lang ako nang kusa nang may mahigpit na humawak sa aking braso. Tho, di naman sobrang higpit pero parang pinipigilan ako na ituloy ang gusto kong gawin.

Hinarap ko si Art, "Pardon Miss Roz but you may now have your breakfast. Please have a seat and I'll be here 'til you finish your meal," magalang niyang saad. Ni hindi nga ngumingiti at halos nakayuko lang. Katulad noon, suot pa rin niya ang isang itim na maskara at ang itim niyang long sleeve. His short black hair is so cool nga e. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan, kulay gray ang mata niya. Wow!

"Miss?" pagtawag niya. I was so preoccupied with his eyes kasi.


"H-Ha? Sige, k-kakain na ako. Mukhang masarap naman," pagtango ko. Tumingin ulit ako sa taas dahil medyo bukas ang pinto pero may pwersa na ang kamay niya sa paghila sa akin kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya at naupo sa kama malapit sa bedside table. Masaya ko namang tinignan ang plato habang kumikinang ang mata na nakatingin sa pancake.


"Gusto mo hati tayo?" tanong ko kay Art na ikinailing niya.


"No worries about me, Miss."


"Okay, sayang naman," binalik ko ang tingin sa plato at nag-umpisa ng kumain. Syempre inuna ko muna yung isang strawberry. Dinipdip ko sa cream at kinain. Sinabayan ko na rin ng pagkain sa pancake na naliligo sa maple syrup at butter.

"Ang sarap talagaaa! Kaya paborito ko to e," wala sa sariling saad ko habang ngumunguya kaya sandali akong natigilan. Parang ngayon ko lang natikman pero paborito ko na agad? That's strange. Maya-maya pa, para bang bigla na lang akong nakarinig ng kung ano sa loob ko.


"Ang sarap pala nito! From now on, this will be my favorite. And this, will surely go down in history," sabay turo ko sa isang lalaki habang hawak ang tinidor. Kumakain kaming dalawa pero hindi ko siya mamukhaan. Naka red dress pa nga ako at nakaayos.


"Kaya gawan mo ko nito palagi ha? Remember that," dagdag ko pa. Halatang masaya kaming nag-uusap pero hindi ko siya mamukhaan, malabo.


"Is that so?" tanong niya.


"Yep, it relieves my stress. Alam mo na," pagbubuntong-hininga ko na ibinalik ang tingin sa kinakain.


"Alright then. I'll make sure gagawan kita sa tuwing stress ka."


"Even without Alzini?" pagdadalawang-isip ko.


"Of course," sagot niya.


"Miss Roz," napatingin ako sa pagtawag ni Art, "Is everything alright?" maayos ang titig niya sa akin. Parang bumalik nga ako sa reyalidad.


Tumango na lang ako at napansing iniikot ko na pala ang tinidor sa cream, "O-Oo. Mukhang may naalala kasi ako," pilit akong ngumiti kahit naguguluhan. Sino ba yung kausap kong lalaki? Tahimik na lang akong kumain pagkatapos noon.


Hinintay akong matapos kumain ni Art at kinuha niya ang tray. Pinanood ko siyang buksan ang pintuan para lumabas hanggang sa hindi na ako nakapagtimpi, "Art," paakyat pa lang siya kaya natigilan at hinarap ako.

"Can I ask... " sandali akong natahimik, "What's Alzini?" di ko na inalis ang tingin sa kanya. Sa pagkakatanda ko kasi nabanggit ko 'yon nang may maalala ako kanina.


Yumuko siya, "Please don't ever mention that when sir Liam is here, Miss Roz. For your safety," hinawakan niya ang door knob at tuluyang isinara ang pintuan. Napatingin na lang ako sa kung saan.


Alzini? Tao ba 'yon o bagay? Sounds like an alien. Kaya siguro di ko pwedeng iparinig kay Liam dahil baka isipin niyang baliw na ako at naniniwala sa mga Alien.


Continua...


(You are reading a story written by 3ieguno in the year 2023.)

The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon