TBRE: 18

37 3 0
                                    


Lalo akong nabubuhayan sa paggiling at pagkaldag sa tuwing naririnig ko ang hiyawan ng mga tao dito sa loob ng club. Aba syempre naman, sa kagwapuhan kong 'to at sa six packs abs na aking taglay, sinong hindi mahuhumaling? Kahit ata lalaki, kaya kong pabalikuin? Tsk tsk. Ako lang 'to mga ulol.


Kaya sige pa, mas ginalingan ko pa lalo ang pagiging macho dancer ko. Igiling mo pa, Chadwick. Owshit, bat ang hot ko? Natatakam tuloy ako sa sarili ko t*ngina yan! Saan ba ako pinaglihi? Sa prinsipe? Naks haha.


Baka makalimutan ko nga palang sabihin, ako pala ang nasa tapat ng pole dance ngayon. Ako kasi ang pinakamagaling na macho dancer sa buong isla kaya star dancer ako rito. Edi pasensya, sumaside-line lang naman ang macho. Sayang naman ang katawan kong 'to kung hindi ko pagkakakitaan. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis ko sa buong katawan. Paniguradong nangingintab ako neto haha. Halos malaglag na ang panga ng mga nanonood sa akin, mapa-babae, lalaki, bakla at tomboy. Bwahaha sige maglaway kayo sa akin.


Humawak pa ako sa pole at mas ginalingan habang nakikipag-eye contact sa kanila, "Omg, galingan mo pa, papa!" sigaw ng isang bakla sa likuran na halatang natatakam na sa kamachuhan ko. Kita niyo yun? Papa daw ako. Naks haha, papa na masarap!


"Ang sarap mo!" sigaw pa ng isa. Eh syempre mas namomotivate ako kaya gagalingan ko pa lalo. Sige, maglaway kayo sa katawan ko haha. Mukhang makakarami ata ako ngayong gabi ah? Haha.


Habang nakikipag-eye contact ako sa mga nandito, kusa akong natigilan nang slight lang nang mapansin ko ang dalawang taong nakatingin sa akin. Nasa gilid sila. Kung halos malaglag na ang mga panty at brief ng mga nanonood sa akin, sila naman ay halatang isuka na ako dahil sa paraan ng pagtitig nila sa akin. Ay gago bat nandito sila? Anong ginagawa nila rito? Panira amp*ta! Tsaka bat wala silang suot? Hahahaha! Makiki-sideline din ata sa akin.


Pakembot-kembot akong umatras hanggang sa tumalikod at pumunta ng back stage para umexit, "Oh tapos na ba, daddy?" malambot na saad ng isang lalaki na inabutan ako ng malamig na tubig. Halata pa nga sa tono niya na malungkot ito. Kinuha ko 'yon at uminom habang sinusuotan niya ako ng manipis at kulay puti na parang bathroab sa isang kamay. Ramdam ko pa nga na sinasadya niya talagang hawakan ang dibdib ko gamit ang mga kamay niya, "Ay... " pakunwari pa siyang nasubsob ng konti sa akin kaya tinignan ko siya at nginitian, "Sorry," kagat-labi pa niyang sabi.


"Ok lang," inabot ko ang baso sa kanya at kinuha niya naman.


"Aalis na ako. Magpapahinga pa ako," saad ko.


"Anong klasing pahinga ba?" tanong pa niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Tignan mo nga, laway na laway haha.


Itinapat ko ang mukha sa kanya habang nakangiti ng masama. Tumingin muna ako sa mata niya at maya-maya ay inilipat sa labi niya.


"Pwede naman kitang bigyan ng nakakapagod na pahinga... kung gusto mo," dagdag pa nito. Hays. Alam ko na 'to e.


"Sorry baby," hinawakan ko ang baba nito, "Kailangan ko ng literal na pahinga. May naghihintay pa kasi sa akin... kaya hindi ako pwedeng mapagod," nag-akto akong hahalikan siya pero syempre nilagpasan ko na. Ano siya? Sineswerte?

The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon