TBRE: 66

16 2 0
                                    


"Miss?" my body is trembling due to coldness. Hindi ko alam kung dahil ba malamig ang simoy ng hangin kaya ako giniginaw but I know for sure that this is not normal. Ngayon lang ako nakaramdam nito.


"Miss."


My vision is getting blurry. Kitang-kita ko ang pamumula ng aking mga braso at patuloy pa rin sa pangangati. May naglilitawan na ring mga namumuo na kung ano. Why am I having this unusual feeling?


"Let's get her up," I was back to my senses when I heard a familiar voice. Ramdam kong tinulungan ako nitong makaupo mula sa pagkakahiga hanggang sa napasandal ako sa dibdib ng kung sino.


Si Spencer ay nakaluhod sa aking harapan, "Gaano katagal na siyang ganito?" I might not look behind pero pamilyar ang boses. In fact, I know who it is.


"Not for a long time, Detective," sagot ni Spencer.


"I can't take her in the mansion, baka pag-isipan nanaman kami ng masama at isipin na may balak kami. I'll try to do something about it but call someone from the mansion," saad ni Terrence dito.


Nanlalambot ang mga binti ko. I don't have enough strength to move. Thankfully, I could still open my eyelids and be aware of what's happening.


Mabilis na tunayo si Spencer. Patakbo siyang lumayo sa amin hanggang sa nawala siya sa paningin ko, "Miss?" hinarap ako ni Terrence habang inaalalayan niya pa rin ako sa pagkakaupo.


"Do you know what happened to you? May sakit ka ba? Nakain o nainom?" bakas sa mata niya ang pag-aalala. Umiling ako bilang sagot. This might be the first time it happened to me.


"How do you feel?" pansin niya siguro na malalim ang paghinga ko as if I'm insisting myself to breath. Hinawakan niya ako sa noo at ramdam ko ang init ng palad niya. My vision is still rotating upside down. Nangangati ako lalo.


Napalunok lang ako. I can't even utter words at the moment. I should just focus with my breathing, "You're cold," naramdaman niya siguro ang panginginig ko kaya dali-dali ako nitong binuhat.


Pumasok siya sa isang tent dahil mahangin sa labas. Ibinaba niya ako sa pinaka-gitnang lamesa kaya napaupo ako roon. I was still feeling dizzy. Nakatayo siya sa harapan ko. Ramdm ko ang mga kamay niyang hinawakan ako sa magkabilang-pisngi at pinatingala sa kanya, "Hold on, alright? Help is coming. Just breath. Inhale," kagaya ng sinabi niya ay sinunod ko ito, "Exhale."


"Inhale."


"Exhale."


Ngumiti siya, "Good."


"N-Nilalamig ako," mahina kong saad. Maski ang aking labi ay nanginginig.


"Wait a minute," tinanggal niya ang suot nitong coat at ipinatong sa likuran ko. Kusang gumalaw ang nanginginig kong mga kamay at agad na hinawakan ng mahigpit ang magkabilang bahagi ng coat nito para mas higpitan ang pagkakabalot sa akin.

The Black Rose Ecstacy (LCS Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon