PAGPASOK nila Yohann sa Practice Room sa basement ng gusali ng PhilKor Entertainment, nadatnan nila doon ang isang punching machine na karaniwan lang na nakikita sa mga arcade.
"Wow, para saan 'to?" tanong niya sa mga staff.
"Para sa first episode ng bagong show n'yo," sagot ng Manager nila na si Jones.
"Nice," usal ni Yuan.
Mayamaya ay lumapit sa kanila si Jones. "Here's the rule guys, kailangan magpataasan kayo ng score sa punching machine na 'yan. Every member will have two chances to punch, kung sino ang pinakamababa ang score ay may penalty. Gagawin ang penalty sa second episode," paliwanag nito.
"Can we practice?" tanong pa ni Jacob.
"Oo naman, mayamaya pa naman mag-start ang filming natin," sagot ni Jones.
"By the way, mag-isip kayo ng penalty n'yo para sa matatalo," wika ulit ng Manager nila.
"Okay," sagot nila.
"Yohann, halika muna sandali dito," tawag ng Team Leader na humahawak sa grupo nila at maging sa staff nila na si Miss Jenna Kim. Dinala si Yohann ni Miss Jenna sa labas ng practice room.
"Why? Is there a problem?" tanong pa niya.
"I just want to inform you about your new stylist. She's here in Seoul now. Nagkausap na kaming dalawa kanina, she will be here in thirty minutes. Busy kasi si Jay kaya sa'yo ko sinabi muna," ani Miss Jenna.
"Saan siya galing?" tanong pa niya.
"Sa Pilipinas, nirekomenda siya ng kaibigan ko na fashion designer na nagha-handle ng mga local artist doon."
"Okay, don't worry Ate Jenna. We will welcome her warmly," nakangiting sagot niya. Ngunit bahagya siyang nagtaka kung bakit sa kanya sinabi iyon? Puwede naman kay Marcus dahil ito ang mas pinakamatanda sa kanila.
Ngumiti ito sa kanya. "Thanks Yohann. Oh by the way, Happy Birthday," wika pa nito.
Marahan siyang natawa at saka niyakap ito. Bukod sa pagiging overall-in-charge sa grupo at buong staff nila. Parang nakakatandang kapatid na babae ang turing nilang pito kay Miss Jenna. Kapag may personal silang pinagdaraanan ay nalalapitan nila ito at binibigyan sila nito ng advice. Minsan ay pinapagalitan sila ni Miss Jenna na para bang Nanay nila ito sa tuwing may kapalpakan silang nagagawa.
"Thanks Ate Jenna," sagot niya.
"Sabi ng mga staff ang dami na daw regalo diyan sa harap ng building galing sa mga fans n'yo," anito.
"Oo nga daw, iniisip ko na nga kung saan ko ilalagay 'yong mga regalo mamaya pag-uwi sa dorm," wika niya.
Mayamaya ay napalingon sila ng sumilip si Jones. "Yohann, let's start filming," sabi pa nito.
"Ne Hyung," sagot ni Yohann. Ang salitang "Hyung" ay karaniwang tawag sa mga lalaking nakakatanda kapag lalaki din ang nagsasalita, "Noona" naman para sa mga babae. Ngunit kapag babae ang nagsasalita, "Oppa" ang tawag sa mga
lalaking mas nakakatanda o "Eonnie" sa mga babae.
Ngunit pagbalik niya sa loob ng practice room ay nagulat na lang siya ng makitang patay ang mga ilaw. Pagkatapos ay biglang kumanta ng birthday song ang lahat sa Korean, nang buksan ang ilaw ay nakita niyang may hawak na cake si Jay at nakasindi ang mga kandila na nakatusok doon. Napangiti siya.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...