Chapter 20

529 21 3
                                    

PAGBABA NI Kate sa taxi ay humarap siya sa pamilyar na park na iyon. Ang tagal din niyang nawala sa lugar na iyon, at aaminin niyang na-miss niya ang lugar na iyon. Namiss ni Kate ang taong kasama niyang bumuo ng magandang kuwento sa lugar na iyon.

Matapos malaman ang katotohanan ay agad na dumiretso si Kate sa PhilKor Entertainment pagkagaling niya sa Mokpo at kinausap si Miss Jenna. Nagpaa laam siya at agad na nag-resign sa trabaho. Naalala niya na sinabi pa nito na bukas pa rin ang ahensiya kapag gusto niyang bumalik. Ngunit nang mga panahon na iyon ay nabubulag pa siya sa labis na galit kay Yohann at Vince at sa mga pangyayari. Pag-uwi niya sa bahay ni Crizel ay agad din siyang nagpaalam at nagmamadaling umalis. Bumalik siya sa bahay ng pinsan niya, she stayed there for one month. Akala kasi niya ay magiging madali para sa kanya ang makalimot kahit umalis na siya sa lugar na makakapagpaalala sa kanya kay Yohann.

Ngunit sa paglabas niya ng bahay ng pinsan. Still, everything around her reminds her of him. Sa bawat billboards, sa mga establisyimento, lahat ay mukha ni Yohann at mga kagrupo nito ang nakikita niya. Kapag binuksan niya ang TV o nag-online siya sa internet, Seven Degrees pa rin ang kanyang nakikita. That was the moment she decided to go back to her family in the Philippines.

Sinikap ni Kate na ibalik ang dating buhay sa normal. Tumulong siya sa negosyo ng Daddy niya at sinubsob ang sarili sa trabaho para lang makalimutan ang lahat ng nangyari. Kahit mahirap, pilit na nilabanan ni Kate ang kagustuhan na makita si Yohann. Ngunit ang totoo, para siyang pinapatay sa araw-araw na hindi niya kasama at nakikita man lang ang binata. Pero nagtiis siya, dahil sinabi niya sa sarili na hindi na sila magkikita pang muli. Tama na ang masaktan siya ng dalawang beses. Hanggang sa dumating ang araw na muling nagpamulat sa kanyang mga mata at nagbukas sa puso na pilit niyang sinarado. Isang common friend nilang dalawa ni Vince ang aksidente niyang nakita at sinabi nito na minsan ay dinalaw daw nito ang binata. Ayon dito ay nakiusap daw si Vince sa kaibigan nila para iparating sa kanya na nais siya nitong makausap.

Hindi agad niya pinuntahan si Vince. Sa katunayan nga ay binalewala lang niya ang sinabi ng kaibigan nila. Until one night, napanood niya sa balita ang interview ng Seven Degrees ng magkaroon ng concert ang grupo doon sa Manila.

"Medyo matagal din bago kayo nakabalik dito sa Manila, is there anything or anyone from here that you miss?" tanong ng babaeng reporter.

"Food!" mabilis na sagot ni Brian.

"Adobo!" segunda naman ni Yuan.

"How about the others?" baling sa kanila ng reporter.

"There is someone that I miss," sagot ni Yohann.

"Wow, someone? Can I ask who is that person?"

Humugot ng malalim na hininga si Yohann at pilit na ngumiti. Ngunit bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. "Someone so close in my heart, I really hope that person will come back to me because I really miss that person," puno ng sinseridad na sagot ng binata.

Matapos iyon ay tinudyo ito ng mga kagrupo nito. Dahil minsan na siyang nagtrabaho sa mga ito, alam ni Kate na paraan lang ng mga ito ang panunukso para hindi maging awkward ang sitwasyon. Pagkatapos niyon ay hindi na muling sumagot pa si Yohann sa kahit na anong tanong at nanatili na lang itong tahimik.

Nang mga panahon na iyon, matapos ang ilang buwan na pilit na iniwasan ni Kate na makita o tingnan ang kahit na anong larawan ni Yohann. But when she saw him on that interview, Kate suddenly realized how she misses him so bad. Pagpasok niya sa kuwarto ay bumuhos ang luha niya. Mga luha na kaytagal niyang nilabanan at damdamin na pilit niyang kinimkim. Sa pagbuhos ng emosyon niya, muling naramdaman ni Kate ang sakit. Ngunit muli din nabuksan ang kanyang mga mata maging ang kanyang puso na sa kabila ng mga nangyari. Mahal niya pa rin si Yohann. That night, she decided to face Vince for the very last time.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon