Chapter 18

215 7 0
                                    

          IT WAS their last night in Mokpo. Bukas ng umaga ay babalik na sila sa Seoul dahil mag-uumpisa na naman ang busy schedule nila dahil sa nalalapit na paglabas ng bagong album ng Seven Degrees.

Niyaya ni Kate si Yohann ng gabing 'yon na pumunta sila sa tabing-dagat at doon panoorin ang paglubog ng araw. Habang magkasama sila, walang sinasabi si Kate tungkol sa nalaman niya. Ayaw niyang isipin na niloloko lang siya ng nobyo. Mahal na mahal niya si Yohann, kung kailangan niyang paulit-ulit na i-deny sa sarili ang nalaman ay nakahanda siyang gawin at magkunwaring walang alam. Ngunit hindi niyon napagaan ang loob niya.

Naupo sila sa isang malaking bato saka siya umabrisyete dito at hiniga ang ulo sa balikat nito.

"Yohann," aniya.

"Hmm?"

"Gaano mo ako kamahal?"

Narinig niyang marahang tumawa ito. "Ano bang klaseng tanong 'yan? You know how much I love you," sagot nito saka umakbay sa kanya.

Umupo siya ng maayos at saka tumingin sa nobyo. "Wala ka naman nililihim sa akin, di ba? Hindi ka naman nagsisinungaling," naiiyak na sabi niya.

Napansin ni Kate na bigla itong natulala at saka umilap ang mga mata. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. "Kate actually, you need to know something," sagot pa nito.

Nang hindi nakayanan ay biglang kumawala ang luha niya at tuluyan lumabas ang lahat ng bigat ng nararamdaman niya kanina pa simula ng malaman niya ang lahat.

"Na ano? That you're lying to me? Ano ang kailangan kong malaman? Ang katotohanan na matagal na pala kayong magkakilala ni Vince and you're actually bestfriends?" umiiyak na wika niya.

Nakita niya na bumakas ang pagkagulat sa mukha nito, dahan-dahan ay naibaba nito ang kamay mula sa balikat niya.

"Kate, how'd you..."

"Nagsinungaling ka sa akin! Vince was your bestfriend! Even before we met, magkakilala na kayong dalawa! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit nagpanggap kayong dalawa na hindi magkakilala sa harapan ko? Ginawa n'yo akong tanga!" galit na sumbat niya.

"Kate listen to me, ipapaliwanag ko sa'yo ng mabuti," sabi pa nito.

"Ano? Lahat ng pagkakataon na nagpapakita si Vince sa akin at dumarating? Ang pagligtas mo sa akin! Lahat ba iyon ay palabas n'yong dalawa?! Lahat ng ito ba ay planado n'yo?! Pero ang totoo ay nakahanda kang ibigay ako sa kanya!"

"Walang palabas sa lahat ng iyon! Maniwala ka sa akin, Kate! At kahit kailan wala akong planong ibigay ka sa kanya!" mabilis na depensa nito.

"What else, Yohann? Ano pa ang kailangan kong malaman?! Ano pa ang kasinungalingan ninyong dalawa sa akin!" galit na sigaw niya.

"Kate, I..."

"That's right, let's tell her everything, Dude. Let's end this game!"

Sabay silang napalingon ni Yohann sa bandang likuran niya. Biglang napatayo si Kate ng makita niya si Vince na nasa di kalayuan.

"Vince, anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong. Bigla siyang napalingon kay Yohann. "Akala ko ba sabi mo pinabalik na siya sa Pilipinas?"

Tumungo si Yohann. "Hindi ko sinabi sa'yo na hindi siya nahuli ng mga pulis noong araw na bigla siyang sumulpot sa launching ng Jammin. Alam kong mag-aalala ka at matatakot ka. Hindi na siya nagpakita pa sa atin sa loob ng nakalipas na isang buwan, kaya akala ko ay bumalik na rin siya sa Pilipinas," pag-amin nito.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon