THINGS became way much better for Kate and Yohann after that incident. Pakiramdam niya ay mas lalo silang naging malapit sa isa't isa ng binata. Maging sa harap ng mga kasama nila sa trabaho ay walang pag-aalinlangan ito kung maglambing sa kanya. Kahit na anong saway niya ay hindi ito nakikinig, kapag naman umiiwas siya ay nagtatampo ito. Yohann never failed to make her feel extra special, at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya gusto ang mga ginagawa nito. Pakiramdam ni Kate ay sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong hindi pinapatahimik ni Yohann ang puso niya.
Dahil doon ay madalas silang tudyuin ng mga kasama sa trabaho. Madalas lang ay hindi niya pinapansin ang panunukso ng mga ito. Ayaw kasi niyang haluan ng personal na damdamin ang trabaho niya. Naroon siya sa PhilKor Entertainment bilang Stylist ng Seven Degrees. Binabayaran siya para pagsilbihan ang mga ito at ayaw niyang may masabi sa kanya ang management ng ahensiya. Kung ano man ang namumuong damdamin sa kanyang puso para kay Yohann, pinili ni Kate na ilihim na lang iyon.
Halos mag-iisang buwan na simula ng huling magpakita sa kanya si Vince. Ayon na rin mismo kay Yohann ay wala na ito sa Korea at bumalik na sa Pilipinas, simula noon ay tuluyan na siyang natahimik. Isang bagay na labis na ipinagpapasalamat ni Kate. Kung hindi dahil sa tulong ni Yohann, hindi mapapanatag ng ganoon ang kalooban niya. Kaya simula noon ay mas maayos na siyang nakapagtrabaho.
Pagpasok ni Kate ng umagang iyon kasama si Crizel ay agad silang pinatawag ng team leader ng Seven Degrees na si Miss Jenna. Ayon dito ay magkakaroon ng bakasyon ang bawat lahat ng miyembro ng grupo ng isang linggo, at kailangan ay may isang staff na kasama ang bawat isa.
"Crizel, kay Jacob ka naka-assign, and for Kate, kay Yohann ka," ani Miss Jenna.
Napamulagat siya sa narinig saka agad na napatingin kay Miss Jenna.
"Boss, kay Yohann ako?" tanong pa niya.
Nakangiting tumango ito. "Yes, why? May problema ba? Ayaw mo?"
Napakamot na lang siya sa batok saka umiling. "Hindi po, o-okay lang," sagot niya.
Paglingon niya kay Crizel at sa mga kasama ay tila pigil na pigil ang pagtawa nito. Kaya ng matapos ang meeting at makabalik sila sa opisina ay agad na bumulanghit ng pagtawa ang mga ito.
"Uy! Magkakasama na ulit sila!" tudyo ng mga ito sa kanya.
"Naku, tumahimik kayo! Baka marinig tayo ni President Park, nakakahiya," nag-aalalang saway niya.
"Ano? Wala pa bang sinasabi si Yoon-jae sa'yo?" pag-uusisa ng isang kasamang Stylist na Filipino.
"Wala, ano naman ang sasabihin niya?" mabilis na sagot niya.
"Grabe, hindi pa ba siya nagyaya na mag-date kayo? Akala ko pa naman mabilis dumiskarte ang alaga natin na 'yan. Matapos ka niyang halikan ng walang pakundangan wala pa siyang sinasabi?" tanong pa ni Crizel.
Biglang naalala ni Kate ang naging pag-uusap nilang dalawa ni Yohann noong araw na tinulungan nailigtas siya ng binata mula kay Vince. Lantaran siyang tinanong nito noon na bakit hindi na lang sila mag-date, bilang isa sa paraan para tuluyan siyang layuan ang ex-boyfriend. Ngunit hindi niya sineryoso iyon, sa halip ay tinawanan lang niya si Yohann. Alam naman kasi niyang hindi iyon seryoso at ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi rin naman siya sigurado sa nararamdaman. Pero siyempre, hindi na niya iku-kuwento iyon sa mga kasama dahil tiyak na lalong masisiraan ng bait ang mga ito.
"Kayo nga eh, tumahimik na," saway ulit niya.
"Bakit? Ayaw mo ba kay Yohann?" deretsong tanong sa kanya ng kaibigan.
Hindi siya nakasagot sa tanong na iyon. Gusto niya si Yohann, pero hindi niya sigurado kung gaano kalalim ang ibig sabihin ng salitang "gusto" para sa kanya.
"Hay naku, change topic!" sa halip ay paiwas niyang sagot.
"O sige, ganito na lang. Tulungan mo na lang ako, samahan mo ako mamaya," ani Crizel.
"Saan kita sasamahan?"
"May imi-meet kasi akong isang importanteng tao. Wala akong kasama eh, puwede samahan mo ako mamaya?" tanong pa nito.
"Akala ko naman kung ano, oo naman," mabilis na sagot niya.
"Assa!" bulalas pa nito saka nagmamadaling lumabas ng opisina nila.
Napakunot noo si Kate saka sinundan ng tingin ang kaibigan. "Nababaliw na rin yata 'yon," sabi pa niya sa mga kasama nila kaya nagtawanan ang mga ito.
"HINDI KO talaga maintindihan kung bakit kailangan pati ako nakabihis ng ganito? Hindi ba dapat ikaw lang? Chaperone lang ako di ba?" patuloy niya sa pagpo-protesta habang nasa loob sila ng kotse at nagmamaneho ito papunta sa ayon dito ay pribadong lugar kung saan nila imi-meet ang sinasabi nitong importanteng tao.
Nang kalaunan, ang sinasabi ni Crizel na importanteng tao ay isa pa lang date. Sabi pa nito ay natatakot daw itong pumunta mag-isa kaya sinama siya nito, pero ang labis na pinagtataka ni Kate ay sa itsura nilang dalawa ay tila mas mukhang siya ang makikipag-date. Siya ang inayusan nito ng todo habang halos simple lang ang ayos nito.
"Ikaw ah, baka mamaya ako ang iba-blind date mo?" kabadong hula niya.
Napakunot-noo siya ng makita na tumulis ang nguso nito sabay ngisi ng nakakaloko.
"I'm sorry friend, but I have to do this," biglang pag-amin nito.
Natutop ni Kate ang noo at napapikit. Hindi siya makapaniwala na naisahan siya nito.
"Stop the car, bababa ako," sabi pa niya.
"Sorry, I can't. Naghihintay na siya doon," ani Crizel.
Napapadyak siya. "Crizel naman eh!" maktol niya.
Sa asar niya ay humagalpak lang ito ng tawa. "Huwag kang gumanyan, masisira ang ganda mo. Sayang ang make-up, kailangan mas maganda ka sa paningin niya," sabi pa nito.
"Please, bumalik na tayo. Ayoko sa ganyan blind date," mariin tanggi niya.
"Hay naku, para tuluyan nang mabura ang anino ng ex mong may sira sa ulo sa isip mo. Alam kong masaya ka ngayon pero mas maganda na may mag-aalaga at magpo-protekta sa'yo," anito.
Biglang naisip ni Kate si Yohann. Wala siyang ibang gustong mag-alaga at mag-protekta sa kanya kung ito lang. Walang ibang mas makakapagpasaya sa kanya kung ang binata lang. All she wants right now is Yohann, nobody else.
"Bumalik na tayo, please. Baka mamaya malaman pa 'to ni Yohann, tiyak na—"
"Eh ano naman kung malaman ni Yohann? Hindi naman kayo, di ba? Bakit parang alalang-alala ka sa sasabihin niya?" nagtatakang tanong nito.
Hindi agad nakasagot si Kate. Bakit nga ba?
"Ikaw nga umamin ka, gusto mo ba si Yohann? Do you see him as a man? Like more than a friend?"
Sa pangalawang beses ay hindi na naman siya nakasagot. Iyon ba ang
dahilan kaya concern siya sa sasabihin ni Yohann?
"I don't know yet," sagot niya.
"Huwag kang mag-aalala, sisiguraduhin ko na hindi magagalit si Yohann," nakangiting sabi ni Crizel.
Wala siyang magawa kung hindi ang mapabuntong-hininga na lang. Bahala na. Kapag nagalit si Yohann, magpapaliwanag na lang siya ng maayos. Siguro naman ay pakikinggan siya nito.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...