Chapter 15

172 7 0
                                    

SA ISANG pribadong villa siya dinala ni Crizel. Hindi alam ni Kate kung saan eksakto ang lokasyon nila, ang sabi ng kaibigan ay nasa Seoul pa rin sila pero sa bandang dulo na. Pumasok sila sa isang maluwag na bakuran, nasa mataas na bahagi iyon at kita ang buong tanawin ng siyudad. Doon ay makikita ang isang bahay na sa labas pa lang ay maganda na.

"Kanino bang bahay 'to?" tanong pa ni Kate habang manghang tinitingnan ang ganda ng bahay at ng hardin nito.

"Nasa loob ang may-ari nang bahay na 'to," sagot nito.

"Eh sino ba talaga ang nandito?" pangungulit niya.

"Basta, hindi na surprise kapag sinabi ko," sagot ni Crizel.

"Kasi naman eh, bakit pa ako ang sinama mo dito. Crizel naman eh," maktol ulit niya.

"Ano ka ba? Itataya ko buhay ko dito, safe ka dito. Manalig ka lang, ikasasaya 'to ng puso mo at lahat ng laman-loob sa katawan mo," sabi pa nito.

"Samahan mo ako sa loob."

"Hindi puwede."

"Eh!"

"Shhh! Tumahimik ka, oh retouch na. Ayusin mo ang damit mo, baka nagusot," sa halip ay sabi nito.

Pinihit siya nito paharap at saka ni-retouch ang make-up niya at muling inayos ang buhok. "Much better, now go!"

"Ayaw!"

"Ay naku, ang tigas ng ulo!" sabi pa ni Crizel saka siya tinulak palapit sa pinto. Binuksan pa nito iyon para sa kanya.

"He's waiting for you, trust me," nakangiting wika ng kaibigan.

Napalingon siya sa loob. Nag-aalangan man ay tumuloy na rin siya, pinili ni Kate na magtiwala sa salita ng kaibigan. Alam niyang hindi siya ipapahamak ni Crizel. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang magandang interior ng sala. Malawak ang loob niyon, sa bandang kaliwa ay tila papunta ng dining area. Bigla siyang napalingon sa bandang kanan niya ay may marinig siyang tunog ng piano. Binaybay niya ang hallway na iyon, tatlong pinto ang nadaanan niya at sa pang-apat pinto sa pinakadulo niya narinig nagmumula ang tunog ng piano.

Bago buksan ang pinto ay humugot muna ng malalim na hininga si Kate. Pagkabukas ng pinto ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo at nakatalikod, nakaharap sa piano at pinapatugtog nito iyon. Humakbang siya palapit, nang marinig nito ang tunog ng suot niyang heels ay huminto ito at tuwid na tumayo. Napakunot noo siya, pamilyar sa kanya ang likod nito.

"At last, you came," anang lalaki.

Napahinto si Kate sa paglalakad matapos marinig ang boses ng binata.

"Yohann?"

Parang may sumipa ng malakas sa dibdib ni Kate ng makumpirma ang hinala ng humarap ang lalaki. Bumilis ang pintig ng puso niya, pakiramdam niya ay huminto ang lahat sa paligid niya ng salubungin siya ng ngiti ni Yohann. He looks so dashing on his black suit, wala itong suot na necktie, sa halip ay hinayaan lang nitong nakabukas ang dalawang butones ng suot nitong itim na polo sa loob. How can he be gorgeous in black? And how can she find his stare sexy? Parang inaakit siya ng bawat tingin nito, tuloy pakiramdam niya ay biglang uminit sa paligid.

"Hi Kate," bati nito sa kanya.

"Yohann, what's this?" tanong pa niya.

Nagkibit-balikat ito. "I've always wanted to do this for you, pero nawalan ako ng pagkakataon. So I made sure I will do it this time," anito.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon