ANG KAIBIGAN niyang fashion designer ang nagrekomenda sa kanya kay Miss Jenna, nagha-handle ito ng local artists doon sa Pilipinas kaya malawak ang koneksiyon nito. Kung may choice lang si Kate, hindi siya sa PhilKor Entertainment papasok bilang "Stylist". Ngunit huli na ng malaman niya na ang kompanya pala na may hawak sa Seven Degrees siya papasok. Pero wala na siyang mapagpipilian kung hindi tuluyan tanggapin ito, ito ang unang oportunidad na dumating sa kanya. Iyon ang isa sa nakikita niyang solusyon para tuluyan siyang matahimik, baka sakaling kapag nakaalis na siya ng Pilipinas ay tuluyan na siyang tigilan ni Vince at matahimik. Alam ng dalaga na sa pagtanggap niya ng posisyon sa PhilKor, kasama na doon ang malaking posibilidad na magkita sila ni Yohann. Isang bagay na pinakaiiwasan niyang mangyari. Matapos ng hindi magandang paghihiwalay nila, matapos niyang masaktan ito, wala nang mukha si Kate na humarap sa binata. Lalo na at hindi maganda ang kinahinatnan ng relasyon niya sa taong inakala niya noon ay mas tamang piliin.
Meryll Kate Mendoza is an aspiring fashion designer. She has eyes for nice clothes, nice shoes and nice accessories. Nang tumuntong siya ng kolehiyo, dapat ay Business Management related course ang kukunin niya dahil na rin sa kagustuhan ng Daddy niya. Ngunit sa huli ay nagawa niyang ipaglaban ang nais niyang gawin habang buhay. Hindi naman sila ganon kayaman, masasabi nilang medyo nakakaangat lang sila sa buhay dahil sa sariling restaurant business ng parents niya. Her parents were both chef, pero hindi siya ang nakamana mula sa mga magulang ang galing sa kusina. Kung hindi ang bunso niyang kapatid na lalaki.
Noon pa man ay naging mahigpit na sa kanya ang mga magulang. First year college pa lang siya ng mahigpit na binilinan siya ng daddy niya na bawal pa siyang makipag-boyfriend. Kaya nang makilala niya si Yohann at magustuhan ay pilit niyang tinago ang tunay na damdamin sa binata. Nang minsan itanong sa kanya ng binata kung nagka-boyfriend na siya ay sinabi niyang hindi pa niya nararanasan magkaroon ng nobyo. Kasunod niyon ay sinabi niya dito ang mahigpit na bilin ng magulang.
Sa pagiging malapit nila ni Yohann bilang magkaibigan ay patuloy ang lihim na damdamin ni Kate para sa binata. Sa sulok ng kanyang puso, umasa siya na dumating ang araw na magustuhan din siya ni Yohann. Hanggang sa dumating ang araw ng pag-alis nito, naghintay siya gaya ng pangako niya sa binata. Ngunit nang hindi ito makabalik gaya ng unang sinabi ni Yohann bago ito umalis ay labis siyang nasaktan. Inisip ni Kate, marahil ay talagang hindi siya kayang mahalin ng binata. Simula noon ay pilit niyang kinalimutan si Yohann, nang mga panahon na pilit niya itong kinakalimutan ay siya naman dating ni Vince sa buhay niya.
Later on, he became vocal about his feelings for her. Noong una ay ayaw niya dito, ngunit naging masigasig si Vince sa pagsusuyo sa kanya. Hanggang sa tuluyang nabaling ang pagtingin niya dito. He helped her forget about Yohann and his broken promise to her. Sa kabila ng pagbabawal sa kanya ng mga magulang na pumasok sa isang relasyon habang nag-aaral pa. Naging matapang si Vince na harapin ang mga magulang at buo ang loob na nagpaalam na liligawan siya. Naisip ni Kate, siguro ay si Vince nga ang lalaking para sa kanya dahil nagawa nitong harapin ang mga magulang niya.
Labingwalong taon gulang pa lang si Kate nang mag-umpisa ang relasyon nila ni Vince. Bata pa siya noon at akala niya puro saya at kilig ang pagmamahal. Labis siyang nabulag sa magandang pinakita noon, sa paglipas ng panahon lumabas ang tunay na ugali ng nobyo dahilan upang tuluyan mawala ang pagmamahal niya dito na nagtulak sa kanya para hiwalayan ito.
Nang dumating ang oportunidad kay Kate na makapag-trabaho sa isang entertainment company sa Korea bilang stylist. Walang pagdadalawang isip na tinanggap niya iyon. Ngunit hindi naman niya akalain na iyon din ang magiging daan para muling magtagpo ang landas ng lalaking una at minsan niyang minahal, si Yohann Choi. Parang gustong umatras ni Kate ng sabihin sa kanya na siya ang magiging stylist ng Seven Degrees. Matapos niyang masaktan noon si Yohann, hindi niya alam kung paano haharap sa binata. Now, she's already twenty-two. It's been four years since they last saw each other, Yohann obviously moved on and now happy with his successful life. Habang siya, tila napag-iwanan ng panahon dahil sa maling tao na pinili niya.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...