Chapter 17

181 8 0
                                    

MASAYA SI Kate na makabonding ang Mommy ni Yohann. Mabait ito at sadyang malambing, marahil ay dito naman ng binata ang pagiging malambing nito. Kahapon ay tinuruan siya nitong magluto ng mga paboritong pagkain ni Yohann. At ilang beses din sinabi ng ginang na masaya ito dahil sa wakas ay nakita niyang masaya ang anak. Sa pangalawang araw nila doon sa Mokpo. Napagkasunduan nila na ipapasyal siya ni Yohann sa magagandang lugar doon. Ngunit pagbaba niya sa sala ay hindi pa rin pala ito nagigising, ang tanging naabutan niya ang mga magulang ng binata na tila nagmamadali.

"Hija, ikaw na ang gumising kay Yohann. Mahirap gisingin ang isang 'yan, mas mauuna pang magising ang tulog na mantika kaysa diyan, sigawan mo sa tenga kapag ayaw magising o kaya buhusan mo ng tubig," pabirong bilin pa ng Mommy nito.

Marahan siyang natawa. "Sige po, ako nang bahala," sagot niya.

"Pasensiya ka na at nagmamadali kami. May kailangan kaming ayusin doon sa negosyo namin," paliwanag ng ginang.

"Wala pong problema, ingat po kayo," sabi pa niya.

Nang makaalis ang mga ito ay agad niyang pinuntahan si Yohann sa kuwarto nito. Pagpasok ay naabutan ni Kate na nakahiga pa ito sa kama at himbing na natutulog. Napangiti siya nang makalapit, he looks like an angel when he sleeps. Binuksan niya ang bintana at binati siya ng malamig na hangin na pumasok doon at ang magandang sikat ng araw. Pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama, at marahan niyugyog ang braso nito.

"Hey, wake up," aniya.

Ngunit hindi man lang ito natinag.

"Yohann, gising na!" wika niya na nilakasan ang boses. Pero makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ito nagigising.

Napabuntong-hininga na lang siya. "Tama ang Mommy niya, mahirap nga siyang gisingin," komento pa niya.

Ngunit nagulat na lang siya at napatili ng wala sa oras nang bigla siyang hawakan ni Yohann sa braso at saka hinila kaya napahiga siya sa kama nito at dinala sa ilalim ng kumot.

"Yohann, ano ba? Baka biglang bumalik ang parents mo," saway niya saka sinubukang tumayo. Ngunit hindi siya nito binitiwan, sa halip ay pinaunan siya nito sa braso nito saka siya niyapos sa beywang at hinapit palapit dito.

Pagtingin niya kay Yohann ay nakapikit ito. Nang dumilat ito ay bumungad ang magandang ngiti nito sa labi saka siya hinalikan sa labi. Nakangiting pumikit siya at gumanti ng halik sa nobyo. Her heart was filled with so much joy, ang simpleng ginawang iyon ni Yohann ay labis na nagpakilig sa kanya. Pakiramdam ni Kate ay parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya. Nang maghiwalay sila ay kinintalan pa siya nito ng halik sa noo.

"Good Morning," mababa ang tinig na bati nito saka muling ngumiti sa kanya.

"Good Morning," nakangiti din sagot niya.

"I want my mornings to be like this," ani Yohann.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Iyon pagdilat ko sa umaga, ikaw ang bubungad sa akin. And then I'll start my day by kissing you and telling you how much I love you," sabi pa nito.

Yumapos si Kate sa beywang ni Yohann at siniksik ang sarili sa matipunong katawan nito. How she wished they can stay like that forever.

"Darating din ang araw na 'yon," sabi pa niya.

Tinukod nito ang isang kamay sa ulo. "Do you want to get married tomorrow?" kapagkuwan ay biglang tanong nito.

Natawa na lang siya ng malakas saka hinampas ito sa dibdib.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon