Chapter 16

166 7 0
                                    

          MAINIT NA pagtanggap ang salubong sa kanya ng mga magulang ni Yohann. Labis na natutuwa ang Mommy ng binata dahil purong Filipino daw ang stylist ng anak. Halos isang oras palang ang nakakaraan simula ng dumating silang dalawa ni Yohann sa hometown nito sa Mokpo. Iyon ang una sa apat na araw na bakasyon nito. Nalaman din niya na ang binata pala ang personal na nakiusap kay Miss Jenna na siya ang stylist na i-assign dito. Iyon lang daw kasi ang pagkakataon na magkasama ng matagal na walang kinalaman ang trabaho nila.

Alas-singko pa lang ng umaga ay nakaalis na sila Seoul, anim na oras kasi ang byahe sakay ng train kaya pagdating nila doon ay halos alas-onse na ng tanghali. Ayon kay Yohann, bilin daw kasi ng Mommy nito na doon sila kumain ng tanghalian.

"Kumusta naman ang byahe ninyo? Kate, hindi ka ba napagod?" tanong pa ng Mommy ng binata.

"Hindi naman po. Nalibang siguro ako masyado sa pagtingin sa tanawin kaya po hindi ko ramdam ang pagod," nakangiting wika niya.

"Bukas na kayo mamasyal, Yoon-jae. Pagpahingahin mo muna si Kate," sabad naman ng Daddy nito sa wikang Koreano.

"Sige po, salamat po," sagot niya.

Pagkatapos nilang kumain ay agad na tumayo ang Daddy nito.

"Appa, chamkkaman," pigil ni Yohann. 'Dad, sandali lang," ang ibig sabihin ng sinabi nito.

Huminto ang ama saka lumingon sa kanila. "Wae? Musun irinde?" tanong pa ng Daddy nito. Ang ibig sabihin ng tinanong ng Daddy ni Yohann ay kung bakit daw at kung may problema ba?

Napalingon siya kay Yohann nang tumayo ito, ngunit bigla siyang kinabahan nang hawakan nito ang kamay niya at saka sumenyas ito na tumayo din siya. Hindi man lubusan naiintindihan ang pinaplano ng binata ay sumunod na lang siya. Napansin si Kate na napatingin ang Daddy ni Yohann sa magkahawak nilang kamay, sinubukan niyang bawiin iyon ngunit lalo lang hinigpit ng binata ang pagkakahawak sa kanya.

"Eomma, Appa, chaega... keunyang hago sipeun mal. Nan yeoja chinggu isseoyo, nae yeoph-e saram-eun chaega yeoja chinggu. Meryll Kate," walang gatol na wika ni Yohann. 'Mom, Dad, may gusto lang akong sabihin. May girlfriend na ako, at ang babaeng ito sa tabi ko ang girlfriend ko, si Meryll Kate', ang ibig sabihin ng sinabi ng binata.

Bigla siyang napalingon dito. Kanina nang papunta pa lang sila ay wala naman itong nabanggit o wala silang napag-usapan na ganoon. Pakiramdam ni Kate ay biglang nanlamig ang mga kamay niya at ninerbiyos siya lalo na nang tumingin ang Daddy nito sa kanya na wala man lang anong emosyon sa mukha.

"Greet them," bulong sa kanya ni Yohann.

Huminga siya ng malalim at saka nag-bow siya ng halos ninety degrees bilang paggalang at pagbigay ng respeto sa mga ito.

"Annyeong haseyo, jeoneun Yoon-jaeneun yeoja chinggu Meryll Kate imnida. Keokjeonghajimaseyo, jeoneun keu cheolidoebnida," magalang niyang wika sa mga ito. Ang sinabi niya sa mga magulang nito matapos niyang ipakilala ang sarili na girlfriend ni Yohann ay sinabi niya wala silang dapat ipag-alala dahil aalagaan niya ang anak ng mga ito.

Mayamaya ay biglang ngumiti ang Daddy ni Yohann. "She's good in Korean," sabi pa nito saka nag-thumbs up. "Mukha siyang mabait, mukhang magkakasundo naman kami," anito sa wikang Koreano. Nagkangitian silang dalawa ni Yohann pati ang Mommy nito.

"Kamsahamnida," masayang sagot niya.

"Sige mauuna na ako sa inyo at may lakad pa ako," paalam ng Daddy ni Yohann.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon