AYON NA rin kay Miss Jenna, halos sampung buwan na mula nang huling maglabas ng album ang Seven Degrees. Naging abala ang grupo sa concert nito doon sa Korea at sa promotion ng Japanese album at series of concert din sa iba't ibang lugar doon sa Japan. Matapos iyon ay individual schedule naman ang inasikaso ng ibang miyembro ng grupo, habang ang iba naman ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-bakasyon.
Prinisinta sa kanila ng head stylist nila ang isusuot ng grupo sa mismong music video na isu-shoot ng mga ito. Maging sa mga promotional activities ng mga ito. Napangiti siya nang ma-imagine ni Kate si Yohann na suot ang shorts na hanggang tuhod nito, white t-shirt at printed sky blue polo, tila magmu-mukha itong high school student.
Nang makita ito ni Miss Jenna at ng Presidente ng PhilKor ay agad din nagustuhan ng mga ito ang damit. Maging ang buong grupo ng Seven Degrees ay nagustuhan ang ganon konsepto. Matapos iyon ay nagkaroon sila ng meeting kasama si Miss Jenna. Halos gabi na rin nang matapos sila sa trabaho, nauna nang umuwi si Crizel sa kanya dahil umaga palang ay masama na ang pakiramdam nito. Pababa na siya ng third floor nang biglang mapahinto si Kate sa tapat ng piano room. Mula sa loob ay narinig niya ang magandang tinig ni Yohann habang kumakanta ito. Napasandal siya sa pader kasunod ng pagbalik ng alaala niya, noong mga panahon na may in love pa siya sa binata.
Araw-araw, pagpatak ng alas-singko ng hapon. Palihim siyang nauupo sa ilalim ng malaking ng puno sa hardin, sa likod ng gusali ng Music Department ng Unibersidad nila. Doon sa pinupwestuhan niya ay malapit ang Music Room, ang silid na madalas pinupuntahan ni Yohann. Doon sa likod ng malaking puno na iyon ay lihim siyang nakikinig sa magandang tinig ng binata. She can still remember how her heart beats fast everytime she hears him sing. Parang hinahaplos ng malamyos nitong tinig ang puso niya, ito ang isa sa mga nagustuhan niya dito.
Nang matapos ito sa pagkanta ay narinig niya itong tila nag-inat.
"Na Baegoppa!" hiyaw nito sa mataas na tono ng boses na parang kumakanta ito.
Natakpan ni Kate ang bibig para pigilan ang pagtawa. Hanggang ngayon pala ay iyon pa rin ang habit nito. Pagkatapos kumanta ay biglang mag-iinat sabay sasabihin nagugutom siya. Napailing na siya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Mayamaya ay napalingon siya ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa si Yohann ng makita siya doon sa gilid.
"Oh, anong ginagawa mo riyan?" tanong pa nito.
Nagkibit-balikat siya. "Nothing, I'm just listening to you," sagot niya.
"You heard me sing? Bakit hindi ka pumasok?"
"Ayokong istorbuhin ka, mas gusto kong pakinggan kang kumanta mula dito," nakangiti pa rin na sagot niya.
Ngumiti si Yohann sa kanya. "So, do you like it?"
Marahan siyang tumango. "Of course! Bigla ko lang naisip, ang laki ng pinagbago mo simula noong hindi na tayo nagkita. You became much better, physically, in your career, lalo na sa pagkanta. Pero isa lang ang hindi nagbago sa'yo, 'yong ugali mo. Ganoon ka pa rin, Yohann. Mabait ka pa rin," sagot niya.
"Career lang ang pinili kong baguhin sa akin. I want to be the same old Yohann that everyone knows, the same me that you used to know," makahulugang wika nito sabay diin sa salitang "you".
Hindi alam ni Kate kung ano ang ibig ipakahulugan ni Yohann sa sinabi nito. Ngunit sapat na iyon para bahagyang magulo na naman nito ang damdamin niya.
"So, paano? Mauna na ako," kapagkuwan ay paalam niya.
"Sabay na tayong umuwi. Nauna na rin sila sa dorm," sabi pa ni Yohann.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...