Chapter 5

224 12 0
                                    

"ANO? KAILAN mo plano lumipat?" tanong ni Crizel kay Kate.

"Itong weekend," sagot niya.

Malapad na napangiti ito. "Yes! Excited ako, sa wakas may makakasama na ako sa bahay! Nakakalungkot kayang kumain mag-isa, tapos minsan kinakausap ko na lang sarili ko. Malapit na nga akong makakita doon ng mga nilalang na ako lang nakakakita eh," sabi pa nito.

Natawa siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga, sa tingin ko mag-e-enjoy ako sa pagtira sa bahay mo. Salamat sa pag-offer mo na doon ako tumira. Halos two weeks pa lang tayong magkakilala pero ang bait mo na agad sa akin," sabi pa niya.

"Ang drama mo," natatawang sagot ni Crizel. "Alam mo, pareho tayong Filipino na nandito sa banyagang bansa na 'to. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo rin? Saka isa pa, hindi ka naman mukhang masamang tao," biro pa nito.

"Still, thank you pa rin!" sagot niya.

"Walang anuman," ani Crizel.

Pagdating ni Kate doon sa Seoul ay pansamantala muna siyang tumuloy sa bahay ng second cousin niya na may asawang Koreano. Pero dahil nahihiya na rin siya sa mga ito kaya nagpaalam na si Kate noong nakaraan gabi pag-uwi niya na bubukod na siya ng tirahan. Isa pa ay medyo malayo ang bahay ng pinsan niya sa PhilKor. Mabuti na lang at nag-offer si Crizel, malapit lang ang tinutuluyan nito doon sa PhilKor at nagkataon na wala itong kasama sa apartment.

"So, paano? See you tomorrow," aniya.

"Yeah, see you! Next week sabay na tayong uuwi, goodnight!" excited na sabi pa nito.

Natawa siya. "I know, can't wait for that. Bye," wika niya saka kumaway sa bagong kaibigan nang mauna na ito. Bago siya maglakad ay sumulyap muna siya sa suot niyang wrist watch, mag-aalas nuwebe na pala ng gabi. Kailangan na niyang makauwi agad dahil mag-aayos pa siya ng mga gamit niya na dadalhin sa paglipat sa apartment ni Crizel.

Hindi pa masyadong nakakalayo si Kate mula sa PhilKor nang bigla siyang mapahinto matapos may makitang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Literal na natulala siya at parang pinako sa kinatatayuan. Pakiramdam ni Kate ay nanginig ang buong katawan niya kasabay ng takot na naramdaman niya.

"Vince," bulong niya.

Hiniling ni Kate na sana'y isang masamang panaginip lang ang nakikita niya. She knows what her ex-boyfriend can do, pero kahit paano ay umasa siya na sa pag-alis niya ay tuluyan na itong matatauhan at na-realize ni Vince na kaya siya umalis ay dahil hindi na siya kailan man babalik sa buhay nito. But she never expect that he will come this far.

Gusto niyang ihakbang ang mga paa at tumakbo ng malayo ngunit tila may puwersang pumipigil sa kanya at hindi niya maigalaw iyon. Mabuti na lang at hindi nakatingin si Vince sa gawi niya at panay ang lingon nito sa paligid na tila may hinahanap.

"Please, huwag kang lilingon dito," naiiyak na mahinang sambit niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng biglang lumingon si Vince sa kinaroroonan niya. Ngunit bago pa siya tuluyang makita nito, nagulat na lang si Kate ng biglang may tumayong lalaki sa harap niya kaya natakpan siya nito. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Yohann. Nakasuot ito ng itim na face mask kaya't natatakpan ang ilong at bibig nito, pagkatapos ay nakasuot ito ng snapback. Dahil bagsak ang buhok nito kaya naitago ng bahagya ang mga mata sa likod ng bangs nito bukod pa na mababa ang suot nitong cap. Sumenyas ito na huwag siyang maingay, pagkatapos ay bigla siyang hinila nito sa isang madilim at tagong eskinita sa gilid ng isang convenience store.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya.

"Mamaya ka na magtanong," mahina ang boses na sagot nito.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon