Chapter 12

160 12 0
                                    

"OKAY KA na ba?" tanong ni Yohann sa kanya.

Napapikit siya saka huminga ng malalim. Sa totoo lang ay hindi niya sigurado kung okay na ba talaga siya. She's still in shock after what happened. Hanggang sa mga sandaling iyon ay parang nagre-replay pa rin sa isipan niya ang nangyari. Ramdam pa rin niya ang takot at parang nanginginig pa rin ang katawan niya.

"I'm not sure," mahina ang boses na wika niya.

Napalingon siya kay Yohann ng hawakan nito ang kamay niya. "Everything will be fine," sagot ng binata.

"Ano bang balita? Nahuli ba siya?" tanong pa ni Kate.

Marahan tumango si Yohann. "Naabutan siya ng mga pulis kahit na nakatakbo siya palayo. Ang last update sa akin, nasa police station na siya. Ni-reklamo siya ng PhilKor dahil sa pangha-harrass niya sa isa sa staff."

"I'm so scared, akala ko talaga makukuha na niya ako," naiiyak na naman wika ni Kate. "Akala ko mailalayo na niya ako sa—"

"Hindi ko hahayaan na mailayo ka niya sa akin," putol nito sa sinasabi niya.

Hindi na nakapagsalita si Kate, sa halip ay nanatili lang siyang nakatingin kay Yohann. Matapos siyang masundan nito kasama ang mga pulis, pinaderetso nito ang sasakyan sa apartment nila ni Crizel. Doon ay sinamahan siya ng binata at hindi na umalis sa tabi niya.

"Sigurado ka bang hindi ka niya sinaktan?" tanong pa ni Yohann.

"Hindi naman, medyo nasakal lang niya ako ng konti ng yapusin niya ako ng mahigpit sa leeg kanina," sabi pa niya saka muling bumuntong-hininga. "That freak, pakiramdam ko hindi pa rin ako makahinga ng maayos. Parang nararamdaman ko pa rin 'yong braso niya sa leeg ko. Ninenerbiyos pa rin ako," reklamo pa ni Kate.

Napalingon siya sa binata ng naupo ito paharap sa kanya. "Tumalikod ka," sabi pa nito.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Ngumiti ito. "Basta," ani Yohann.

Sumunod siya sa sinabi nito. Bigla siyang napapitlag ng mula sa likuran ay yapusin siya nito sa leeg. Malakas na kumabog ang dibdib ni Kate, lalong lumala ang nararamdaman niya ng isandal siya ni Yohann sa matipunong dibdib nito. Her body shivers as she felt his breath run down her neck.

"You can calm down now. Forget about what happened," halos pabulong na wika nito.

Paano niya sasabihin kay Yohann na hindi niya magawang kalmahin ang sarili hangga't yakap siya nito? Nang mga sandaling iyon ay patuloy na nagwawala ang puso ni Kate. Gusto niyang lumayo sa binata dahil ginugulo nito ang damdamin niya, ang isip niya. Ngunit ayaw naman sumunod ng katawan niya.

"Yo-yohann, ano bang ginagawa mo?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Para makalimutan mo 'yong ginawa ni Vince kanina. Gusto kong mawala na sa isip mo kung paano ka niya hinawakan. Maybe, this will help you forget everything," sagot nito.

Hindi malayong mangyari ang sinabi nito. Dahil ngayon pa lang ay parang binabagyo na ang puso niya, malamang ay hindi na naman siya patulugin nito gaya ng nangyari sa kanya matapos siyang halikan ng binata sa labi. Tumikhim siya at saka lumayo kay Yohann.

"Hindi ko maalala na ganito kalakas ang loob mo dati? You were a shy boy before. Ngayon, basta mo na lang hinahawakan ang kamay ko. Niyayakap mo ako, minsan, hinaha... basta 'yon! Kaya ba akala tuloy ng ibang kasama natin may relasyon tayo," puna niya.

Yohann chuckled. "I don't mind if they think that way. Besides, we're not strangers to each other. Ayoko ng naiilang ka sa akin, gusto kong bumalik ang pagiging malapit natin noon," paliwanag nito.

"Bakit? Ayaw mo ba ng ginagawa ko? Hindi ka ba komportable? Okay lang naman, I can just—" tanong pa nito saka akmang lalayo, ngunit bigla niyang hinawakan ang braso niyo.

"No. Please, let's just stay this way for a while," mabilis na sagot niya saka lumingon kay Yohann. Pagtingin niya ay sinalubong siya ng magandang ngiti ng binata. Muli siyang niyakap ng binata, ngunit sa pagkakataon na ito ay mas mahigpit.

"May sinasabi ba 'yong mga kasama natin sa'yo tungkol sa atin? Tsini-tsismis ba nila tayo?" tanong pa nito.

"Hindi naman sa ganon kaya lang kasi, masyado kang sweet para sa isang kaibigan. Ayokong mamis-interpret 'yon ng mga tao. You are Yohann Choi of Seven Degrees, you have an image and a name to protect. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag may nakakita sa atin? Baka sugurin ako ng mga fans mo," sabi pa niya.

Muli itong natawa. "Masyado mong iniisip ang mga taong wala naman kinalaman sa kung anong meron tayo," sagot ni Yohann.

Napakunot-noo siya. "Tayo? Ano bang meron tayo?"

"A special kind of friendship. Should we date exclusively? Magandang way na rin 'yon para tigilan ka ni Vince. Kapag nalaman niya na tayong dalawa na, baka sakaling matauhan 'yon at bumalik na ng Pilipinas," suhestiyon nito.

Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang natawa at napailing. Pagkatapos ay saka lumayo na dito at humarap sa binata. "Ikaw talaga, kung anu-ano ang nasa isip mo. Lalong magwawala iyon kapag ganon ang ginawa natin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang laki ng galit at inggit niya sa'yo. Samantalang, una't huling pagkikita ninyong dalawa ay noong bumalik ka galing ng Korea," sabi pa niya.

Hinintay niyang sumagot si Yohann ngunit nanatili lang itong tahimik at saka iniwas ang tingin sa kanya.

"I told you not to think about him anymore. Baka makadagdag lang 'yan sa stress mo eh," sa halip ay sagot nito.

"Don't worry, I'm okay now," aniya.

"Oo nga pala, paano mo pala nalaman ang location ko? Sinabi ba sa'yo ni Crizel ang nangyari?" biglang tanong pa niya.

"Bago ka pa nalapitan ni Vince, nakita ko na siya sa di kalayuan habang nakamasid sa'yo. Hindi ako makalabas noon dahil may nag-iinterview sa akin, kaya nakita ko kung paano ka niya nilapitan. Noong lumapit si Crizel kay Jones Hyung ay patakbo na sana ako palabas pero pinigilan ni Jay Hyung. Marami kasing media kanina, siguradong magkakagulo. Tinulungan ako ni Ate Jami, doon niya ako pinadaan sa likod ng boutique sa may storage room. From there, I tracked you down through your phone," paliwanag ni Yohann.

Biglang naalala ni Kate nang kunin ng binata ang phone niya ay may kung anong pinindot doon.

"Ibig mong sabihin, in-on mo ang tracker ng phone ko?"

Tumango ito saka ngumiti. Hindi na nakasagot si Kate, hindi niya alam ang sasabihin. Tumingin siya kay Yohann at sinalubong ang tingin nito, pagkatapos niyon ay walang pag-aalinlangan siyang yumakap sa binata. Tila nagulat ito sa ginawa niya dahil ilang sandali pa ang lumipas bago niya naramdaman na gumanti ito ng yakap sa kanya.

"Hey, are you okay?" tanong pa nito.

"Thank you for saving me. Hindi ko akalain na gagawin mo iyon para sa akin. Kahit wala ka naman dapat pakialam sa personal kong problema, pero hindi mo ako pinapabayaan. I don't know how can I repay you for doing this," naiiyak na sabi niya.

"Nakalimutan mo na ba? Sinabi mo sa akin na huwag kitang iiwan, na dito lang ako sa tabi mo dahil kailangan mo ako. Paano ko magagawang talikuran ka? And didn't I promise you that I will protect you?" sagot ni Yohann.

Lalong humigpit ang pagkakayap niya sa binata saka napangiti, kasabay niyon ay ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso. That feeling, she knew that kind of feeling.

"Thank you," bulong niya.

"I'll do anything for you, Kate."

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon