Chapter 10

216 11 0
                                    

HINATID SIYA ni Yohann hanggang sa bahay. Pagdating nila ay nagulat pa si Crizel dahil mugto ang mata niya sa pag-iyak kaya kinuwento niya dito ang nangyari.

"Nagluto ako, kumain ka ha? Yohann, ikaw na bahala sa kanya. Papasok na ako sa kuwarto ko, masama pa rin pakiramdam ko," anito.

"Sige," sagot ni Yohann.

"Thank you," aniya sa kaibigan.

Nang maiwan silang dalawa ay agad na tumayo si Yohann. Ngunit bigla niya itong hinawakan sa braso.

"Huwag kang umalis, dito ka muna sa tabi ko," naiiyak pa rin na wika niya.

Naupo ulit si Yohann sa tabi niya. "Wala ka nang dapat ikatakot, wala si Vince dito. Tayong dalawa lang dito sa loob. Pangako, hindi ko hahayaan na masaktan ka niya ulit," anito.

Pumikit siya at saka tinakpan ang mukha ng mga palad at pinatong iyon sa

tuhod niya. "Pakiramdam ko kasi kahit saan bigla na lang siyang susulpot, parang nai-imagine ko pa rin ang itsura niya. He seems like a nightmare to me," naiiyak na wika niya.

Naalis niya ang kamay sa mukha ng maramdaman na hinawakan ni Yohann ang magkabilang pisngi niya at marahan siyang pinihit paharap dito.

"Look at me, pagkatapos alisin mo sa isip mo si Vince," sabi pa nito.

Nang salubungin niya ang tingin ni Yohann, nakakapagtaka na nawala ang imahe ng dating nobyo na tila bangungot na ayaw siyang lubayan. Sa isang iglap ay napanatag ang loob niya. Lalo na ng ngumiti si Yohann sa kanya.

"Okay na?" tanong pa ni Yohann.

Ngumiti siya saka marahan tumango.

"Talagang wala na sa katinuan ang lalaking iyon. Sigurado akong gumamit siya ng Private Investigator kaya niya ako natunton dito sa Korea. Sinusundan niya ako kaya nalaman niya 'yong lugar na 'yon. Kilala ko si Vince, gagawa siya ng paraan para magulo niya ako. He's been doing this to me eversince, hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin sa akin 'to? Samantalang marami naman siyang babae! But he seems much different today, bakit ba pakiramdam ko ay mas lalo akong natakot sa kanya? Hindi ko maintindihan pero sobra ang kaba ko noong makita ko siya," sabi pa niya.

"Stop thinking about it," ani Yohann at saka niyakap siya.

"I can't help it. Paano ako makakapagtrabaho ng maayos? Paano kung bigla na naman siyang sumulpot? Paano kung sa PhilKor naman siya manggulo?" sunod-sunod na tanong niya kasunod ng pagbalik ng takot sa kanyang dibdib.

"Huwag mo na siyang isipin. Wala siyang kayang gawin," ani Yohann.

Napakunot-noo siya saka kumalas sa pagkakayakap dito. "Paano mo naman nasiguro?" tanong pa niya.

Hindi agad ito nakasagot. "Basta, magtiwala ka lang. I'm here," sagot ng

binata.

Huminga siya ng malalim at saka marahan tumango. Sinikap niyang ngumiti, alam ni Kate na nag-aalala ito sa kanya. Mabuti na lang at kasama niya itong umuwi, marahil ay baka kung ano nang ginawa ni Vince sa kanya kung mag-isa lang siya.

"Bago ako umalis, I'll prepare your food, tapos kumain ka okay? Igagawa din kita ng tsaa para makalma ka," anang binata.

Marahan siyang tumango. Matapos siyang ipaghain nito ay agad itong nagpaalam. Kailangan na rin nitong magpahinga, dahil kung pagod siya ay mas pagod ito dahil sa kabi-kabilang schedule nang araw na iyon. Hinatid niya ito hanggang sa may pinto.

"Kumain ka okay? Tatawagan ko si Crizel mamaya para i-check ko kung kumain ka nga," sabi pa nito.

Napangiti siya at tuluyan nawala ang takot na nararamdaman. "Yes Sir," sgaot niya.

An Autumn's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon