"YOHANN?" gulat na bungad ni Kate pagbukas nito ng pinto.
"Kate!" masayang bungad ni Yohann sa dalaga at agad itong niyakap.
Ngunit nagtaka siya nang maramdaman na hindi man lang ito gumanti ng yakap sa kanya.
"Hi, kumusta ka na?" tanong ni Yohann paglayo niya.
"Ah, I'm okay..." ani Kate. "Ha-halika, pasok ka," nauutal na yaya nito sa kanya saka niluwagan ang bukas ng pinto.
"Are you sure you're okay? Para kang nakakita ng multo ah?" tanong pa niya pag-upo sa sofa.
Napansin ni Yohann na tila napilitan itong ngumiti. "Oo naman, ayos lang ako. I mean, hindi ko inaasahan ang pagdating mo. Akala ko nga nakalimutan mo na ako eh, hindi ka na kasi nagparamdam. Mukhang masyado ka nang nag-enjoy sa buhay mo bilang celebrity," paliwanag nito.
"Of course not, kung alam mo lang. Palagi kaya kitang naaalala," sabi pa niya. "By the way, natatandaan mo pa ba 'yong sinabi ko sa'yo bago ako umalis dati? Sinabi ko na may sasabihin ako sa'yo."
"Oo, ano ba 'yon?"
Huminga muna ng malalim si Yohann pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Kate.
"I'm sorry if it took me so long to say this to you. But now, I think we're both ready," ani Yohann saka tinignan ang dalaga ng deretso sa mga mata nito.
"For the past year that I've been away with you, I realized and confirm only one thing. I love you, Kate. Actually noon pa, noong unang beses pa lang tayong nagkakilala ng magkabangga tayo sa may library. I started to like you since then. Gusto ko na sanang magtapat sa'yo noon, pero sinabi mo na hindi ka pa handang magka-boyfriend. I respect what you said, kaya nagtiis ako at naghintay ako. Hindi ko akalain na sa paglayo ko sa'yo, mas lalong lalalim ang nararamdaman ko. Thank you for waiting for me," nakangiting paliwanag niya.
Nagtaka si Yohann ng tila lumungkot ang mukha ng dalaga. Umiwas ito ng tingin at tila nag-isip ng malalim. Biglang umahon ang takot sa dibdib niya.
"Hey, is everything okay? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" kinakabahang tanong pa niya.
"Yohann, kasi..."
"Why?"
Bago pa makasagot ang dalaga ay biglang pumasok si Vince, ang bestfriend niya. Labis siyang nagtaka kung anong ginagawa doon ng kaibigan niya, kahit na anong isip niya ay hindi maalala ni Yohann na pinakilala niya ang dalawa sa isa't isa. Ni hindi nga yata niya nababanggit si Vince kay Kate, kaya paano nangyaring magkakilala ang dalawa? Bago pa siya makapagtanong ay natulala na lang siya sa mga sumunod na narinig mula sa dalawa.
"Hi Babe," ani Vince kay Kate.
Malungkot na tumingin sa kanya ang dalaga. "Yohann, I want you to meet Vince, my boyfriend," wika ni Kate.
Parang bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Tila may mabigat na bakal na dumagan sa dibdib niya, nang mga sandaling iyon ay parang gusto nang maiyak ni Yohann. Hindi siya nakapagsalita at tuluyan natulala dahil sa narinig mula kay Kate. Ngunit ang sumunod na aksiyon ni Vince ang hindi niya inaasahan. Napakunot-noo siya ng ilahad nito ang kamay sa harap niya.
"It was nice to meet you, pare. Akala ko nagbibiro lang ang girlfriend ko kapag sinasabi niya na kaibigan niya ang sikat na si Yohann Choi ng Seven Degrees, hindi ko naman inaasahan na totoo pala," sabi pa ni Vince.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...