"WHAT HAPPENED, Vince? Noon halos hindi tayo mapaghiwalay. We were not just friends, we're brothers. Paano nauwi sa ganito ang pagkakaibigan natin?" malungkot na tanong ni Yohann dito.
Malungkot na tumungo si Vince. For the first time, nakita ni Yohann ang Vince na una niyang nakilala. Iyong masayahin sa kabila ng pagiging pilyo. Iyong mabuting kaibigan kahit na sa tingin ng ibang tao ay masama ito. Nang magkaroon ng concert doon sa Pilipinas ang Seven Degrees, nakiusap siya kay Miss Jenna na bigyan siya ng kaunting oras para dalawin sa kulungan si Vince. Sa kabila ng mga ginawa nito sa kanila ni Kate, naging kaibigan pa rin niya ito at gusto ni Yohann na makausap ito kahit sa huling pagkakataon.
"It's my fault, I'm sorry," sagot nito.
"I'm sorry if I hurt you in a certain way. But I hope I proved to you that the friendship I gave you was true. Na kahit sino ka pa, kahit na ikaw pa ang pinaka-basagulerong tao sa mundo. I still believe you have goodness in your heart, huwag mong hayaan na mabulag ka nang insecurity mo. You are one great person, Vince. Balang araw, matatagpuan mo rin ang tamang babaeng magmamahal sa'yo," payo niya.
"Sinira ko ang kung anong mayroon kayo ni Kate noon. Patawarin mo ako, pero nang sinabi ko na mahal ko siya. That's the truth, at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon," ani Vince.
"I know. Dahil hindi mo magagawa ang mga bagay na iyon kung hindi mo siya mahal. Naging mali lang ang pamamaraan mo. Sinakal mo siya hanggang sa dumating ang araw na nawala siya sa'yo."
"I want to see her. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Tulungan mo ako."
Malungkot na ngumiti si Yohann. "Isn't it funny? Pinag-aawayan natin ang iisang babae. Pero sa huli, hindi siya napunta kahit isa sa atin. In the end, she both left us. Tama si Kate, wala tayong pinagkaiba. Nasaktan ko rin siya. But the most painful of all, I didn't just lost her once, I lost her twice," mangiyak-ngiyak na wika niya.
"I'm sorry, it's all because of me," sabi ni Vince.
Tinapik ni Yohann sa balikat ang dating kaibigan. "I think this will be the last time we will see each other. Kapag nakalaya ka, sana ayusin mo na ang buhay mo. This is for your own good. Huwag mong isipin na walang nagmamalasakit sa'yo, your Mom is still there. Naghihintay siya sa'yo," wika ni Yohann.
Isang malungkot na ngiti ang huling binigay niya dito saka tumalikod at naglakad palayo.
"Sandali lang, may gusto pa akong sabihin," habol nito sa kanya.
Huminto siya at muling lumingon kay Vince.
"It was you since then," anito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Noong dumating ka noon at malaman mo ang relasyon namin at malaman niya na mahal mo rin pala siya. Nakita ko kung paano nasaktan si Kate ng umalis siya. That's when I knew that Kate is still in love with you. All those years of our relationship. Oo, naramdaman ko na minahal niya ako. But deep inside, it's still you. Iyon ang dahilan kaya mas lalo akong nagalit at na-insecure sa'yo. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko, I never had her heart. She might not aware of it, pero nakikita ko na ikaw pa rin ang minahal niya."
"Find her, win her back. Nagbago ang isip ko, sinabi ko sa kanya na hindi ko matatanggap kung sa'yo siya mapupunta. But now I realized, that I really want her to be happy, at alam kong ikaw lang ang makakapagbigay ng kaligayahan na iyon kay Kate," sabi pa nito.
Hindi na siya sumagot pa. Sa halip ay malungkot lang siyang ngumiti dito at saka muling tumalikod at tuluyang umalis. Ano pang silbi ng mga nalaman niya? Paano pa niya mapapasaya si Kate kung wala na ito sa buhay niya? Kung ngayon ay pawang galit na ang nararamdaman ni Kate para sa kanya.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...