BAGO PUMUNTA sa grand launching ng unang clothing line ng dating stylist ng PhilKor na si Jami, sa opisina pa lang ay pinagbihis na ang grupong Seven Degrees. Siymepre, suot ng mga ito ang damit na sinuot din ng pito sa photoshoot. Ang pangalan ng clothing line ni Jami ay Jammin', pawang mga casual wear na panglalaki ang binebenta nito. Nang makausap ni Kate si Jami noong araw mismo ng photoshoot ng Seven Degrees, nang tanungin niya kung bakit puro panglalaki lang ang ibebenta ng Jammin, sinabi ni Jami na ideya daw talaga 'yon ng fiancé nito na si Perry. Bukod doon ay nasanay na daw kasi ang babae na puro panglalaki ang ginagawang damit dahil sa naging head stylist ito ng team ng One Day.
Nang sunduin si Jami ni Perry doon sa photoshoot ay nakita niya kung gaano ka-sweet ang dalawa. Kita niya ang pagmamahal ni Perry sa nobya, hindi tuloy niya maiwasan ang makaramdam ng inggit. Noong una siyang nagmahal, inakala niya na wala itong nararamdaman para sa kanya kaya hinayaan lang ni Kate na mawala si Yohann. Nang makilala niya si Vince, minahal din niya ito at inakala na ito na ang makakasama niya habangbuhay. Sa bandang huli ay nasaktan din siya. Bigla tuloy niyang naitanong sa sarili, kailan kaya darating ang lalaking nakalaan para sa kanya?
"Yedeura, chunbi dwaesseo?" tanong ni Jones sa pito. Tinanong nito kung nakahanda na ba ang mga ito.
Naroon sila sa loob ng van at papunta na sa grand opening ng Jammin. Dapat ay hindi na kasama silang mga stylist, pero sa huli ay pinasama pa rin silang dalawa ni Crizel para may mag-aayos ng damit na suot ng mga ito at magre-retouch bago man lang humarap sa media ang Seven Degrees.
"Ne," sagot ng grupo.
"Stylists, standby lang kayo sa tabi ha?" bilin din sa kanila ni Jones.
"Yes Sir," sagot nilang dalawa ni Crizel.
Napatingin siya kay Yohann ng lumingon ito sa kanya.
"Okay na ba itsura ko?" tanong pa nito.
Marahan siyang natawa. Minsan ay hindi pa rin siya makapaniwala na sikat na singer na si Yohann. Samantalang dati ay hindi naman ito mahilig mag-ayos, simple lang itong manamit at parang palaging pupunta ng library. Ngunit ngayon ay conscious na ito sa itsura nito. Sabagay, matagal na rin nang magsimula ang career nito. Nasanay na si Yohann na kailangan maging maayos ang itsura sa harap ng maraming tao, sa likod o harap man ng camera.
Napakunot-noo ito. "Bakit ka natawa?" nagtatakang tanong nito.
"Wala, hindi ko kasi akalain na magiging ganito ka ka-vain. Samantalang dati hindi ka naman maporma, para ka ngang laging pupunta sa library eh," natatawang sagot niya.
Nagulat siya ng biglang tumawa ng malakas ang mga kagrupo nito. Mayamaya ay nahawa na siya at natawa din, nagkipag-high pa sa kanya si Jay, JR at Brian.
"Tama ka diyan, Noona!" natatawang sang-ayon ni Yuan.
Imbes na maasar ay natawa lang din si Yohann. Mayamaya ay dumating na sila sa Jammin, hindi pa man bumababa ng sasakyan ang Seven Degrees ay tila agad na nagsigawan ang maraming fans ng grupo na naghihintay sa labas. Dahil ang grupo ang modelo ng Jammin', magkakaroon din ng mini-fansigning ang mga ito para sa mga fans.
Bago buksan ang pinto ng sasakyan ay lumingon pa sa kanya si Yohann. "Just stay closer with me, okay? Hindi natin alam baka biglang sumulpot na naman si Vince. Doon ka lang sa malapit kung saan kita madaling makita," bilin pa nito.
Tila hinaplos ang puso niya ng mga salitang iyon. Napuno ng saya ang kanyang damdamin, nang mga sandaling iyon, hindi siya nakaramdam ng takot kahit narinig ang pangalan ng ex niya. Dahil sapat na ang mga salita ni Yohann para tuluyan mapanatag ang loob niya.
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...