HANGGANG SA makauwi sila ng dorm ay mainit pa rin ang ulo ni Yohann. Simula ng traydurin siya ni Vince, ni sa panaginip ay hindi na kaibigan ang turing niya dito. Kaya ang marinig mula kay Kate na naaalala nito ang dating kaibigan sa kanya ay isang malaking insulto para kay Yohann. Because he knows he's a lot better than that person. He's a lot deserving to take care of Kate.
Salubong pa rin ang dalawang kilay na lumingon siya sa pintuan ng kuwarto nila ni Jay matapos marinig na may kumatok doon. Mayamaya ay sumungaw ang ulo ni Brian.
"Hyung," tawag nito sa kanya.
"Bakit?" pormal na tanong niya.
"Nagpa-deliver kami ng pizza, halika, kain tayo," yaya nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at saka bumangon mula sa hinihigaan na kama. Simula ng magtalo sila ni Kate kanina ay wala na rin siyang kinausap na kahit
kanino.
"Sige, susunod na ako," sagot niya.
Saglit pa niyang kinondisyon ang sarili bago lumabas at humarap sa mga kasama. Napansin niyang nagtinginan pa ang mga ito nang maupo siya.
"Hey, are you okay now?" tanong pa ni Jay.
"I don't know," usal niya.
"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong din ni Marcus.
Noon pa man, bago pa sila nag-debut ay alam na ng mga kagrupo niya ang tungkol kay Kate. Ngunit matapos ang mga hindi magandang nangyari, Yohann never mentioned about her again. Masyado kasi siyang nasaktan sa nangyari . Hindi siya hinintay ng babaeng una niyang minahal at hindi ito tumupad sa pangako nito. He was betrayed by his bestfriend. Simula noon ay mas pinili na niyang hindi banggitin ang pangalan ng kahit na sino sa dalawa. Ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan niyang patawarin si Kate, natutunan niyang tuluyan kalimutan ang lahat. Sinikap niyang kalimutan maging ang nararamdaman para sa dalaga. Yohann even dated twice, ang isang naging girlfriend niya ay miyembro ng isang Korean girl group na galing sa ibang ahensiya. Wala sana silang planong ipaalam ang relasyon sa publiko pero may mga paparazzi na nakahuli sa kanilang nagde-date kaya napilitan silang aminin ang totoo. Tumagal lang ng isang taon ang relasyon nila pagkatapos ay nakipaghiwalay na siya dito. Ang sumunod naman niyang naging girlfriend ay kaibigan niya na taga-Mokpo. Nagkita sila nito doon sa Seoul nang makakuha ito ng trabaho doon. After a while, they decided to date exclusively but they end their relationship after six months. Pagkatapos noon ay hindi na pumasok ulit sa isang relasyon si Yohann, he realized he cannot fool himself and pretend. In the end, his heart still belongs to Kate.
Kinuwento ni Yohann ang nangyari noon sa kanila ni Kate sa mga kagrupo niya.
"Ah, kaya pala ang aga mong bumalik noon. Di ba tatlong buwan ang
paalam mong bakasyon?" tanong pa ni Yuan.
"I can't imagine someone exist like you former bestfriend. Kung ako noon 'yon na mainitin pa ang ulo, baka nabugbog ko pa 'yon," komento ni Jay.
"Bakit hindi mo sinabi kay Kate ang totoo? Na magkaibigan kayo talaga ng Vince na 'yon?" tanong pa ni JR.
"Hindi ko na nasabi sa kanya totoo noon dahil masyado akong nabigla sa nalaman ko. Nasaktan na ako noon, that moment, ang nasa isip ko lang ay makalayo sa kanila. Isa pa, sinabihan ako noon ni Vince na huwag nang sabihin na magkakilala kami," paliwanag niya.
"At nakinig ka naman?" hindi makanipaniwalang tanong ni Jacob. "I can't believe this. Kate is right, masyado kang mabait Pare."
Sarkastiko siyang natawa. "I've learned my lesson well, Hyung."
BINABASA MO ANG
An Autumn's Tale
Romance"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Panga...