16th Feather: I Love You, Goodbye

47 2 0
                                    

The house had burned down in flames,
Everything is painted in black and red.
They may have captured the prey,
But the real hunter is still free.

---

Iris' POV

Pagkabalik ko sa kwarto ko ay naabutan ko si Zeli Zeli na pinagmamasdan si baby Reize na natutulog sa kama namin.

"Zeli Zeli? Ba't di ka pa tulog?" mahina kong tanong sa kanya.

Naupo ako sa kama saka pasimpleng itinago yung dala ko sa ilalim.

"I was waiting for you." nakangiting sagot niya sa kin.

Ashuuush~ Kenekeleg ako. (〃^ω^〃)

Nahiga na ako sa tabi ni baby Reize at nagtaka ako nang nakatingin pa rin sa kin si Zeli Zeli.

"Bakit? May dumi ba ko sa mukha Zeli Zeli?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"I love you so much wife. I can't believe I married you and fell so deep in love with you." malumanay na sabi niya na ikinapamula ko.

Anubayan, di ako ready!

"I love you too Zeli Zeli. Salamat kasi napakabait mo sa kin. Salamat kasi binigyan mo ng kulay yung buhay ko." sagot ko sa kanya.

Umusog siya sa kin palapit sa kin at marahang hinalikan ang labi ko.

"I will love you until the day I die." aniya na ikina-guilty ko.

Nginitian ko lang siya saka ay ipinikit ang mga mata ko.

I'm so sorry Zeli Zeli sa gagawin ko. Sana mapatawad mo ko.

Ilang oras na ang lumipas at pinilit kong hindi makatulog. Nang marinig ko ang unang tilaok ng manok sa labas ay napadilat agad ako.

Dahan-dahan kong kinuha ang itinago ko kaninang syringe na may pampatulog mula sa ilalim saka ay dahan dahang tumayo at umikot sa side ng kama na hinihigaan ni Zeli Zeli.

Nanginginig ang mga kamay kong itinurok sa kanya yung syringe.

Napadilat siya bigla at nang makitang may itinuturok ako sa kanya ay nagpumiglas siya. Kaagad kong hinawakan ng mabuti yung syringe sa takot na baka mabali yung karayom.

"Iris? What are you doing?" naguguluhang tanong niya sa kin habang sinusubukang tanggalin yung kamay ko.

Napaluha na lang ako sa ginagawa ko sa asawa ko.

Pero mukhang umiipekto na yung gamot dahil pahina ng pahina na ang pagpupumiglas niya.

"I'm so sorry Zeli Zeli. I'm sorry." umiiyak na paghingi ko ng tawad sa kanya.

Ilang minuto pa ay narinig kong may kumatok sa may pinto na ikinataranta ko.

"Iris?" nanghihinang tanong ni Zeus sa kin.

Tinanggal ko yung syringe at hinalikan siya sa labi.

"I love you so much. I really really really do.Marami nang nawala sa kin. Sina Mama at Papa. Si Auntie. Si Uncle. Muntik ko na ring mawala sina Kuya at Ate Ash. Ayokong pati sina Reina madamay. Ayoko ring pati ikaw mawala sa kin. Kaya gagawin ko to. Ito lang ang nakikita kong paraan. I'm sorry. Patawarin mo ko." humihikbing paghingi ko ng tawad sa kanya.

Tuluyan nang nakatulog si Zeli Zeli at nabitiwan na niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

Isa na namang katok ang narinig ko kaya agad akong napatayo at nagpunta sa may pinto. Nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto namin si Devon.

MTTDM2: Raven's WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon