BONUS CHAPTER

107 4 0
                                        

Iris' POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iris' POV

Pagkadilat ko ng mga mata ko ay ang family picture namin ang agad na bumungad sa mga mata ko.

Dalawang buwan na simula nang ikasal si Ate Ash at si Paris. Nami-miss ko na nga sila ni Astrid eh. Kelan kaya sila bibisita?

Napatingin naman ako sa baby bump ko at marahan iyong hinaplos. Nalaman namin nung kasal ni Ate Ash na 2 1/2 months na pala akong buntis kay baby no. 2.

Hindi pa namin alam pero feeling ko, baby girl ang baby no. 2 namin.

Dahan-dahan akong bumangon para hanapin kung nasaan si Reize. Ang sabi ng isang katulong ay nasa balkonahe raw si baby Reize, naglalaro.

Makapunta nga rin doon. Ang init init dito sa loob kahit alas kwatro na, para akong niluluto sa pugon.

Pagkarating ko sa balkonahe ay nakita ko ang anak kong busy na busy sa pagdo-drawing.

"Anong ginagawa mo nak?" tanong ko kay Reize saka ay naupo sa tabi niya.

"Nagsasagot po sa workbook na bigay ni Uncle Caleb." sagot ng anak ko.

Oo nga pala. Nagpunta dito kahapon sina Kuya at Caleb.

Naweirduhan nga ako nang tinanong ni Caleb kung ano daw ba ang magandang iregalo kapag manliligaw ka.

Ang sabi ko, depende kung sino yung liligawan niya. Kung si Doc Belle, stethoscope... kung si Den, ballpen.

Nagtaka nga ako nang tinawanan nina Kuya at Sebby yung sagot ko.

Nawala ako sa pag-iisip nang bigla kong narinig ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Zeli Zeli. Napatayo ako at saka ay dumungaw sa baba.

Napasimangot ako nang makita kong wala siyang dala na pasalubong.

Napatingin ako sa anak ko na focused na focused sa kung anong dino-drawing niya sa isang workbook. Dragon ba yan o buwaya?

"Beh." tawag ko sa kanya.

Napahinto si baby Reize sa ginagawa niya at nag-angat ng tingin sa kin.

"Bakit Ma?" tanong niya.

"Mahal pa ba ako ng tatay mo?" seryoso kong tanong sa kanya.

Nangunot ang noo ni Reize at napa-'ha?' sa kin.

Nakakatawa lang yung reaksiyon ni Reize. Gayang-gaya si Reina pag naiinis siya kay Vans.

"Ma? Seryoso? Should I call Auntie Belle for you?" tanong niya na ikinatawa ko.

Bumalik ako sa mesa at naupo sa tabi ni Reize.

"Manang mana ka talaga sa kin." tatawa-tawa kong sabi.

Nailing na lang si baby Reize saka ay nagpatuloy sa pagdo-drawing.

"Hey guys."

Napalingon kaming dalawa ni Reize sa papalapit na si Zeli Zeli.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinaasan siya ng kilay.

MTTDM2: Raven's WarMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon