Four years later...
Iris' POV
Bigla akong nakaramdaman ng sakit sa tagiliran ko kaya naman napamulat ako.
Bakit andito na naman ako sa lugar na to?!
May nakatayo lalaki sa itaas ko.
Pumaibabaw siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Heh! Tumahimik ka diyan kung ayaw mong masaktan!" banta niya sa kin.
Pinilit kong makawala pero ang bigat ng pakiramdam ko at halos wala akong lakas.
Hindi man lang natinag yung lalaki kahit na anong gawin kong tulak at sipa sa kanya.
Nanginginig na ang mga kamay at paa ko sa takot.
Hindi to totoo!
"Magdusa ka!" naririnig kong sigaw ni Bettina.
"Iris, wake up."
Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Zeli Zeli.
Panaginip lang...
Hindi totoo...
I sighed in relief.
"Are you alright? Binangungot ka na naman ba?" tanong ni Zeli Zeli habang hinahawi ang buhok na tumakip sa mukha ko.
Nginitian ko siya at naupo sa kama.
Agad kong napansin si Reize na nasa tabi ko..... na naman.
"Hala ka! Pano nakaakyat dito si baby Reize, Zeli Zeli?! Di kaya may mumung nagbuhat sa kanya papunta rito?!" tanong ko habang hawak hawak yung kamay niya.
Tumawa lang siya ng mahina saka ako hinalikan sa noo.
"Wife, Reize is already four years old. Wag ka nang magtaka." sabi niya.
Napa-pout tuloy ako.
Four years...
"Ma---"
"Ay butiking gwapo!"Nagpoker face lang si baby Reize.
"Oo Ma, gwapo ako. Pero hindi ako butiki dahil tao kayo ni Papa." sabi ni baby Reize na naupo na sa kama.
Ang anak ko~~~ T^T
Bata pa siya pero marunong na siyang mangbara...
Kasalanan to nina Den eh!!!
Hinawakan ko sa balikat niya si Reize na nagkukusot pa ng mata.
"I know son. I know." sarcastic kong sabi.
At ang baby ko, tinaasan lang ako ng kilay~
Waaaah!
Zeli Zeli oh!
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Action[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...