One crazy woman,
Loved by two dangerous men.
A year already passed,
But the war has only begun.---
One year later...
Iris' POV
"Iris, tumatawag si Zeus." anunsyo ni Astrid na agad kong ikinatakbo sa kanya.
"Uy! Hindi pa tayo tapos dito Iris!" sigaw ni Trez na binelatan ko lang.
"MAS IMPORTANTENG MAKAUSAP KO ANG LOVE OF MY LIFE KO KESA DIYAN SA NAKAKAMATAY MONG TRAINING 'NO!" sigaw ko na ikinatawa nina Reina, Doc Belle at Nurse Veil.
"Tsk. Eh di ikaw na may love life! Eh di ikaw nang may asawa! Small things." pagtataray namang sagot ni Trez.
Hmph!
Inggit lang siya kasi lonely siya. Wala kasi siyang jowa. Ahihi.
"What's the commotion all about wife?" tanong ni Zeli Zeli nang ibinigay na sa kin ni Astrid ang phone.
Ganito lang kami buong taon... araw araw nagvi-video call.
"Wala naman. Medyo bitter lang itong si Trez." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kamusta na pala kayo diyan? Ano nang balita? Kelan tayo magkakasama ulit?" sunud-sunod kong tanong na ikinatawa niya.
Luh?
Nabaliw na ba asawa ko?
"Do you really miss me that much, wife?" nakangisi niyang tanong na tinanguan ko agad.
"Oo. Miss na miss na kita. Sobra. Miss ka na namin ni baby Reize." mabilis na sagot ko sa kanya.
Medyo napayuko siya at napalitan ang ngisi niya ng isang seryosong itsura.
"I'm sorry Iris, mukhang matatagalan pa bago tayo magkasama-sama. We still don't have a lead. I hope you'll understand. I really don't like this, but I have no choice. I need you and our baby safe more than anything else." sagot niya na medyo ikinalungkot ko.
"Naiintindihan ko naman Zeli Zeli. Wag kang mag-alala, ayos lang kami rito. Medyo mahirap lang ang training pero sabi ni Reina maganda at mabilis daw ang progress ko." pag-iiba ko ng usapan.
"That's good to hear." nakangiti niyang sabi.
Bigla naman akong may naalala.
"Nga pala! Astrid nasan si baby Reize?!" sigaw ko.
"Andito kami sa may kusina!" sagot naman ni Astrid.
Agad akong tumakbo papunta sa kusina at naabutan ang anak ko na punung-puno ang bibig ng cereal at medyo nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako.
"May ipapakita ako sa yo Zeli Zeli." aniko at lumuhod para magkapantay kami ng upuan ni baby Reize.
"Baby Reize, look oh... It's Papa Zeli Zeli." aniko at medyo narinig ko ang isang pigil na tawa sa likod namin.
"Hi little one." ani naman ni Zeli Zeli.
Napahagikhik si baby Reize saka ay medyo inaabot ang cellphone.
"Say, Hello Papa Zeli Zeli." mabagal kong sabi.
"Dada!" nakangiting sigaw ni baby Reize.
"Papa, baby. Pa-pa." pag-uulit ko.
"DADA ZEZE!" mas malakas na sigaw ni baby Reize na pumalakpak pa pagkatapos.
Baby naman eh!
"D-Did he really say 'Dada'?" tanong ni Zeli Zeli
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Aksiyon[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...