23rd Feather: Broken

46 4 0
                                    

Bettina's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bettina's POV

Sa sobrang inis ko ay napasigaw na lang ako ng malakas pagkapasok namin ni Karlos sa opisina niya.

Putangina! Hawak na namin sa leeg sina Zeus at Falcon pero naitakas pa ng Reina na yun si Iris!

"Can you just calm down for a second?" reklamo ni Karlos saka ay naupo at nagdekwatro.

Napatingin ako sa kanya and my eyebrow raised.

"Calm down?! Pano ako kakalma? Naisahan na naman tayo nina Enrique!" I sighed and crossed my arms.

"We still have a lot of cards to play! So just relax, okay?" tatawa-tawa niyang sabi saka ay humithit sa hawak niyang tabako.

Seriously?!

Bigla namang bumukas ang pinto ng office at may pumasok na humahangos na lalaki.

"Boss! Bad news!!!" anunsyo niya.

I rolled my eyes.

"Letse! Ano namang bad news yan?!" inis na tanong ko.

Nagtaka ako nang buksan niya ang TV at nilipat iyon sa isang news channel.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga shipment namin na nasa news.

"Putangina! Bakit nasa news yung shipment natin galing Taiwan?!" bulalas ni Karlos na ikinalingon ko sa kanya.

"Yun nga ho yung gusto kong sabihin sa inyo kanina pang umaga. Ang kaso ho, busy kayo sa negosasyon niyo kina Enrique." sagot naman nung lalaki na nagpa-init sa ulo ko.

"At kasalanan pa namin ngayon?! You should've done something about it then! Alam niyo palang busy kami, then why didn't you handle it yourselves?!" I screamed at the man.

"Bettina, just fucking calm down!" Karlos shouted at me.

"HINDI KO NGA KAYANG MAG-CALM DOWN!!!"

Fuck! Nakaka-stress ang mga tao dito!

I picked up my purse and walked towards the door.

"Where are you going?" tanong ni Karlos pagkabukas ko ng pinto.

I looked back at him and I snorted.

Seryoso ba ang putanginang to?

"San pa ba? Iimbestigahan ko kung bakit nabulilyaso yung shipment na yun." sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Isn't that too dangerous?" aniya saka ay bumuga ng usok.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Tumunganga na lang ako dito?!" I crossed my arms in disdain.

Tumayo mula sa pagkakaupo niya si Karlos at dahan-dahang lumapit sa kin.

He tried to hold my hands but I shoved it away.

"I'm just concerned na baka mapahamak ka." he softly said.

Napailing na lang ako.

"This is why Tito chose to give the leadership of Nacrosis to me and not to you. You're damn too soft to do the job." I bluntly said before walking away from him.

MTTDM2: Raven's WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon