9th Feather: Birth of a Queen

443 14 0
                                    

Crowned as the innocent queen,
They're blinded by her inexperience.
You won't notice you're in ruins,
'Til you've been stripped down to the last piece.

---

Iris' POV

"Kailan kaya tayo bibisitahin ng Papa mo baby Reize?" tanong ko sa baby ko na humagikhik lang.

Buti pa tong baby ko, patawa-tawa lang.

"Hoy Iris, hindi pa nga tayo dumadating sa isla eh, ang advance mo namang mag-isip. Tsaka isang oras pa lang simula nung umalis tayo sa pampang at humiwalay kina Zeus. Wag kang OA." rinig kong sabi ni Astrid na ikinalabi ko.

"Tss. Porke't kasama natin ngayon si Sebby papuntang isla eh ganyan ka na makapagsalita. Parang hindi ka rin niyan iiwan." bulong ko na ikinahagikhik ni Reize.

"May sinasabi ka Iris?" tanong ni Astrid na nginitian ko lang.

Grabe, ang talas ng pandinig.

"Wala~ Ang sabi ko ang ganda ko." nakangiting sabi ko na tinaasan naman ng kilay ni Astrid.

"Tama na yan, bumalik na kayong dalawa sa mga upuan niyo. Malapit na tayong dumaong." sita sa min ni Trez.

Agad naman akong inalalayan ni Reina pabalik sa upuan namin.

"Okay lang yan, Iris. Kapag andun na tayo, hindi mo na mamamalayang nami-miss mo si Zeus kasi mabi-busy ka na sa training mo." sabi ni Reina pagkaupong pagkaupo namin.

Napatingin ako sa kanya at itinanong ang kanina ko pa iniisip na itanong sa kanya.

"Anong training nga pala ang gagawin natin? Parang training lang ng mga secret agents sa mga pelikula ganun?" tanong ko sa kanya.

"Iris, we're not training you to be just a mere part of this war. We're training you to be our QUEEN." nakangiting sagot sa kin ni Reina na ikinangiwi ko.

"Pressure. Hindi naman siguro mahirap yang training no?" tanong ko na ikinatawa lang ni Reina.

"Tingnan na lang natin. Sa pagkakatanda ko, kamuntik nang sumuko ang katawan at isip ko nun. Pero alam kong yakang yakang mo yan. Ikaw pa." aniya na ikinatingin ko sa inosenteng mukha ng anak ko.

Ano ba tong papasukin ko? 😭

---

"Andito na lahat ng kakailanganin niyo. Pero every Saturday may magdi-deliver ng iba pang mga kailanganin niyo." bilin ni Sebby na tinanguan namin.

"Mag-iingat kayo. At please lang, please... wala sana kaming mabalitaang may nasaktan sa inyo." ani naman ni Astrid na medyo ikinahigpit ng hawak ko kay Reize.

Hindi pa man nagsisimula ang plano ay nag-aalala na ako kay Zeli Zeli.

"Sebby, ikaw nang bahala kay Zeli Zeli. Wag mo siyang pababayaan ha?" ani ko na ikinangiti ni Sebby.

"You too, Iris. Please take care of Astrid for me." aniya na agad ko namang tinanguan.

Niyakap ulit ni Astrid si Sebby bago ito sumakay ulit sa yate.

"Time to move in to our new home ladies!" biglang anunsyo ni Trez na ikinatalon namin sa gulat.

"Diyos ko naman Trez, maghinay-hinay ka nga. Aatakihin kami sa puso sa panggugulat mo." saway ni Nurse Veil sa kanya na nagpeace sign lang.

Pupulot na sana ako ng isang bag nang pigilan ako ni Doc Belle.

"You still need to rest, Iris. At least for a few days. Baka mabinat ka." aniya na ikinalabi ko.

"Eh okay naman po ako Doc. Saka kaya ko namang buhatin tong bag na to." pagdadahilan ko na inilingan lang ni Doc.

"No is a NO, Iris. Besides, kailangan mong mag-ipon ng lakas for your training." aniya saka ay pinulot ang bag na plano kong bitbitin sana.

"Sabihin mo nga baby Reize, weak ba si Mommy sa tingin mo?" tanong ko sa anak ko na naglalaway na nakatingin lang sa kin na animo'y isa akong masarap na pagkain.

"Hindi ka naman weak, Mommy. Baliw ka. Baliw." sabi ng isang maliit na boses.

Halos lumuwa ang mata ko at medyo inilayo ko ang mukha ko kay baby Reize.

"Nagsalita ka ba baby?" tanong ko.

"Tsk. Ewan ko sa yo Iris. Unang pagsubok mo pa lang failed ka na. Good luck na lang sa yo kung tatagal ka sa training mo."

Napalingon ako sa likod ko at nandoon ang umiiling na si Den.

Napalabi naman ako.

Ako na naman ang napagtripan neto.

"Ewan ko sa inyo! Hmp!" aniko saka ay padabog na naglakad papunta sa mansyon.

"Akala niyo ha. Pwes, patutunayan ko sa inyong nagkamali kayo ng pagkilala sa kin. Hindi ako magpapatalo sa kung anong training man yang ibibigay niyo sa kin."

---

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ni baby Reize ay bumaba ako papunta sa living room kung saan ako hinihintay nina Reina at Trez.

Kararating pa nga lang namin gusto na agad akong sanayin nitong dalawang to. Haist!

Iniwan ko na muna kay Astrid si baby Reize na humingi ng bonding time sa pamangkin-slash-inaanak niya.

Ni hindi nga ako binigyan ng good luck nung bruhang yun. 😒

"Iris! Babangga ka na sa pader!" sigaw ni Trez na nagpabalik sa kin sa kasalukuyan.

Ngek! Muntik na nga akong sumubsob sa pader sa kaiisip ko.

"Hehehe, pasensya na... Medyo lutang pa ko galing sa biyahe." napakamot na lang ako sa batok sa hiya.

"Mukhang mahihirapan tayong i-train ang babaeng to." umiiling na sabi ni Trez na ikinalabi ko.

"Grabe kayo! Ang ja-judgemental niyo masyado! Hindi pa nga tayo nagsisimula sa training eh inevaluate niyo na agad ako. Wow ha? Kaibigan ko ba talaga kayo?" bulalas ko na sandaling ikinatahimik nung dalawa.

"Hello people? Magtitinginan na lang ba kayo diyan at magtatayuan? Kung simulan niyo na kaya ang training niyo. Gutom na ko." biglang sulpot ni Astrid na karga-karga si baby Reize.

"Ehem! Let's get this started then, shall we?" ani ni Trez kay Reina at nauna nang lumabas ng living room papunta sa bakuran nung mansyon.

"Ba't siya lumabas? Anong gagawin niya dun?" tanong ko na ikinailing nina Astrid at Reina.

"Tara na nga." ani ni Reina saka hinawakan ang kaliwang braso ko at saka ako kinaladkad palabas.

---

"Again!" sigaw ni Trez na ikinangiwi ko.

Magkaibigan nga silang dalawa ni Ate Ashley, pareho silang masungit!

"Trez naman, pwede time out muna? Kanina mo pa ako pinapaulit-ulit sa pag-atake kay Reina. Namamaga na nga yung mga braso ko oh!" reklamo ko at iwinagayway pa sa kanila ang mga braso ko.

"Mali ang battle stance mo kaya ka pinapaulit-ulit ni Trez." ani naman ni Reina na ikinalabi ko.

At nagkampihan na nga sila. Hmp!

"Hoy mga bruha, tigil tigilan niyo na nga yang si Iris. Mamaya niyan mabinat pa yan!"

Agad naman akong napangiti sa sitang yun ni Astrid sa kanila.

Angel ko talaga ang babaeng to~

"Tsk. Kung hindi ka lang talaga bagong panganak eh di sana pwedeng all the way ang training natin." ani ni Reina na ikinasimangot ko.

"Don't worry girl, we have a lot of time to train Iris. I'm sure na sa tatlong taon na pagti-training niya ay magiging bihasa at mahusay na siya sa pagdipensa." ani ni Trez na ikinapanlaki ng mga mata ko.

TATLONG TAON?!

SERYOSO KAYO?!

Napatingin ako sa mga sumasakit kong mga braso.

NOOOOOOO!!!

---

MTTDM2: Raven's WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon