Iris' POVMag-aalas sais pa lang ng umaga at halos kakalabas pa lang ng araw pero parang isang buong araw na akong gising.
Nang malapit na kami sa pinag-usapang lugar ay natanaw ko agad sina Reina, Den, at Trez na hawak-hawak ng mga tauhan ni Bettina. May dalawa pa siyang kasama na nakatayo sa likod niya.
"Whatever happens from here on, just remember na sasagipin ka namin no matter what." sabi ni Ath na ikinalunok ko ng laway.
Dahan-dahang huminto ang sasakyan. Kasabay nun ay ang unti-unting pagbilis ng kabog ng dibdib ko.
Inirecline namin ni Ath ang mga upuan ng sasakyan sa lowest level nun. Gumapang papuntang backseat si Ath kasabay ng paglipat ko sa driver's seat.
Sabi kasi ni Ath, magtataka sina Bettina kung sa passenger's side ako lalabas. Baka rin daw mabulilyaso kung mahahalatang may pangalawang tao sa loob ng sasakyan.
"Be safe Ate Iris." paalala sa kin ni Ath na tinanguan ko.
Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng sasakyan.
Pagkalabas ko sa sasakyan ay nanlumo ako nang makita ko ang kalagayan nung tatlo.
Anong ginawa ni Bettina sa kanila para maging ganyan ang hitsura nila?
"Iris! Umalis ka na!" sigaw ni Reina.
Napakurap ako sa gulat nang sinikmuraan ng isang lalaki si Reina.
"Good morning Mrs. Enrique!" nakangising sabi ni Bettina.
Nilingon ko siya at binigyan ng masamang tingin.
Kung nakakamatay lang sana ang tingin. Grrr.
"Andito na ko. Pakawalan mo na sila." aniko.
"Oh, how touching. Kaya mo talagang isakripisyo ang sarili mo para sa mga to?" sabi ni Bettina.
Napairap si Trez habang masama naman ang pagkakatingin ni Reina sa kanya.
"Mga mabubuting kaibigan ko sila. Hindi mo alam ang feeling ng may kaibigan kasi wala ka naman nun." naiinis na sabi ko.
Napataas ang isa niyang kilay at mukhang nairita siya sa sinabi ko.
Nilingon niya ang direksyon ni Den at nagtaas ng kamay. Akmang sasampalin niya sana si Den pero natigilan siya.
"Oh, well. Let's start the exchange nang maka-relax na ako." aniya.
"Let's do it this way para walang dayaan. You escort yourself towards me, I'll let four of my men escort your friends and you'll exchange halfway." sabi ni Bettina.
"Fine."
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa direksyon nila.
Dahan-dahan ring naglakad papalapit sa kin sina Reina, Den, Trez, at yung apat na alipores ni Bettina.
Nang magtagpo kami ay nakita ko pang umiiling-iling ang luhaang si Den bago ako hilahin nung isang lalaki.
Biglang naghalo-halo sa dibdib ko ang kaba at takot nang nasa harap ko na ang nakangising si Bettina.
"Hello Iris." aniya na ikinataas ng kilay ko.
"We need to go." sabi nung lalaking nasa tabi niya na parang familiar sa kin.
Isang lahithit ng gulong ang umalingawngaw na ikinalingon ko sa likod ko.
Nagsisimula na.
"What the?"
Nakita ko mismo kung pano inilampaso ni Reina at Trez yung tatlong lalaki na nag-escort sa kanila.
Bumaba ang bintana ng sasakyan at napalingon dito sina Reina.
![](https://img.wattpad.com/cover/67914280-288-k266027.jpg)
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Aksi[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...