🚨 WARNING 🚨
This chapter may contain graphic discription of violence and torture that may not be suitable for some readers.
Viewer discretion is advised.° ° °
Tulog pa si Iris nang bumukas ang pinto ng kwartong pinagkukulungan sa kanya.
Nang nakaraang gabi ay kinalagan siya ulit ng mga tauhan ni Bettina kaya kasalukuyang nakahiga siya sa matigas at malamig na sahig.
Mataas na ang araw sa labas pero hindi iyon halata sa loob dahil walang bintana o kahit na butas man lang ang silid na makakapagsabi ng oras.
Pumasok sa loob sina Bettina at dalawang lalaki na may dala-dalang latigo at dos por dos na kahoy.
Sinipa ng malakas ni Bettina si Iris dahilan para magising ito sa sakit.
Namimilipit na idinilat ni Iris ang mga mata niya at tiningnan ng masama si Bettina.
"Rise and shine panget~" pakantang sabi ng nakangising si Bettina.
"Mas panget ka pa." puno ng lasong sagot ni Iris.
Nanlaki ang mga mata at ang mga butas ng ilong ni Bettina.
"Aba't!" hinablot niya ang hawak na dos por dos ng kasama niyang lalaki.
"Tingnan natin kung magmatapang ka pa pagkatapos kitang lumpuhin!" sigaw ni Bettina saka ay pinalo ang mga binti ni Iris.
Napahiyaw sa sakit si Iris habang patuloy na pinagpapapalo ni Bettina si Iris. Unti-unting pumatak ang mga luha sa mata ni Iris.
Nang makita ito ni Bettina ay mas lumapad pa ang ngisi nito.
"Ano?! Matapang ka?! Matapang ka?! Sige! Sigaw!!!" nakangising sigaw ni Bettina.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto na ikinalingon nung dalawang lalaki na kasama ni Bettina.
"Bettina! Stop that!" sigaw ni Karlos na ikinahinto ni Bettina.
Kinuha ni Karlos ang kahoy mula kay Bettina at ibinigay iyon sa isang lalaki.
"Inaasar ako ng babaeng to eh!" sigaw ni Bettina saka ay sinipa si Iris sa sikmura.
Kaagad na hinila palayo ni Karlos si Bettina kay Iris na namimilipit pa rin sa sahig.
"We need her alive, okay? You can hurt her, just don't overdo it. You might kill her and ruin our whole plan." bulong ni Karlos kay Bettina.
Napairap si Bettina saka ay umismid.
"Fine."
Lumapit ulit si Bettina kay Iris habang papalabas na sina Karlos at ang mga kasama kanina ni Bettina.
"Pasalamat ka kailangan ka namin. Dahil kung hindi, matagal na kitang pinatay." aniya bago iniwan sa loob ang nakahandusay na si Iris.
Napahagulgol si Iris dahil sa sakit ng mga paa at ng sikmura niya.
"Tiisin mo Iris. Konti na lang." bulong niya sa sarili.
'Makakaganti ka rin.'
- - -
Ashley's POV
Pagkababa ko galing sa taas ay nakita kong kabababa pa lang ni Zeus ng cellphone niya.
Bakas sa mukha niya ang pinaghalong galit, takot, at pag-aalala.
"Tumawag ulit yung putanginang Bettina at Karlos na yon?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Acción[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...