🚨 WARNING 🚨
This chapter may contain graphic discription of violence, torture and brief mention of r*pe that may not be suitable for some readers.
Viewer discretion is advised.° • ° • °
Nagising na lang si Iris kinabukasan nang bigla siyang buhusan ng tubig.
Pagkadilat niya ay nagtaka siya kung bakit nakahiga na siya sa sahig. Ang huling natatandaan niya ay nakaupo pa siya sa upuan at nakatali nang makatulog siya nang nakaraang gabi.
Pagkaupo niya sa sahig ay agad na nagtagpo ang paningin nila ni Bettina na nakatayo malapit sa pintuan.
"Good morning Iris dear. Nakatulog ka ba ng mahimbing?" nangungutyang tanong ni Bettina.
Lumapit ang dalawang lalaki na kasama ni Bettina sa kanya. Habang ang isa naman ay kinuha mula sa labas ng kwarto ang isang bakal na upuan.
Pinaupo si Iris pagkatapos ay itinali siya ng dalawang lalaki sa upuan. Tinitingnan niya kung pano siya itinatali ng mga lalaki para malaman kung pano makakalagan ang sarili niya.
May narinig na ingay si Iris na ikinalingon niya sa direksyon ni Bettina.
"Babalaan na kita ngayon pa lang. Masakit to." nakangising sabi ni Bettina hawak-hawak ang isang malaking taser.
Pagkatapos itali ng mga lalaki si Iris ay lumabas na ang mga ito at iniwan sa loob sina Iris at Bettina.
Pagkadikit ng taser sa basang balat ni Iris ay agad na napasigaw siya sa sakit.
Nagpumilit si Iris na makawala sa pagkakatali sa kanya pero mahigpit ang pagkakatali ng mga lalaki.
"Sabi ko naman sa yo, masakit to." sabi ni Bettina at mas idiniin pa ang taser kay Iris.
Nang humina na ang voltage ng taser ay tinanggal na ito ni Bettina.
Humahangos at hirap na hirap na ang katawan ni Iris matapos ang ginawang iyon ni Bettina.
"Akala mo tapos na ako?" tanong ni Bettina.
May pumasok ulit sa loob na lalaki dala-dala ang isang kahon. Itinapon ni Bettina sa sahig ang hawak na taser at dumukot sa loob ng kahon.
Nakangisi niyang ipinakita kay Iris ang isa pang taser na kamukha ng naunang ginamit ni Bettina sa kanya.
"Magdusa ka!" sigaw ni Bettina at muling idiniin kay Iris ang taser.
Muling napasigaw sa sakit si Iris at nangisay.
Ilang beses pa siyang kinuryente ni Bettina hanggang sa mawalan si Iris ng malay.
"Pick up the used tasers. Pagkatapos ay isarado niyo ng mabuti ang kwarto, naiintindihan niyo?" mataray na utos ni Bettina sa mga tauhan niya.
Nagsitanguan naman ang mga ito.
Pagkalabas ni Bettina ay dumeritso siya sa parking lot ng warehouse para pumunta sa lunch date nila ni Karlos.
- - -
Isang lalaki ang dahan-dahang pumasok sa loob ng kwartong pinagkulungan kay Iris.
Pagkapasok ng lalaki ay agad nitong ini-lock ang pinto.
Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa wala pa ring malay na si Iris. Isa isang tinanggal ng lalaki ang pagkakatali sa mga kamay at paa ni Iris sa upuan.
Matapos kalagan si Iris ay dahan-dahan nitong kinarga mula sa upuan si Iris at inihiga sa sahig.
Naalimpungatan si Iris nang lumapat sa malamig na sahig ang kanyang mga sugat sa likod.
![](https://img.wattpad.com/cover/67914280-288-k266027.jpg)
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Aksiyon[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...