18th Feather: Captured Pt. 1

39 3 0
                                    

🚨 WARNING 🚨

This chapter may contain graphic discription of violence and torture that may not be suitable for some readers.
Viewer discretion is advised.

° ° °

Iris' POV

Pagkagising ko ay nasa loob na ako ng isang kwarto. Nakatali rin ang mga kamay at paa ko sa isang bakal na upuan.

Buong araw kong hinintay na may gawin sina Bettina sa kin pero pagkatapos akong kalagan at bigyan ng isang paper plate na may pagkain at isang mineral water nung isang lalaki ay wala nang pumasok ulit sa pinagkulungan sa kin.

Kaya magdamag ay nagpaikut-ikot ako sa kwarto para i-check kung may camera ba o listening device. May nakita akong isang camera sa isang sulok ng kisame. Pero mukhang wala na namang iba pang klase ng gadget meron ang kwartong iyon.

Kinabukasan ay pumasok sa loob si Bettina kasama ng dalawang lalaki.

Aatakihin ko na sana siya kaso naunahan ako nung isang lalaki. Sinikmuraan niya ako na nagpaluhod sa kin sa sakit.

"Diyan! Diyan nababagay ang tulad mo! Akala mo kaya mo ko?" nanggagalaiting sabi ni Bettina.

"Pasalamat ka may mga bodyguards ka. Kasi kung wala sila, kanina ko pa ginawang lampaso yang mukha mo!" nakatingalang sigaw ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata at butas ng ilong niya sa galit.

"Itali niyo na nga yang babaitang yan!" utos niya.

Hinawakan ako sa magkabilang braso nung mga lalaki at pinatayo. Itinali nila ang dalawa kong kamay saka ay isinabit sa isang hook na nakakabit sa kisame.

Aba! San galing yang hook na yan?! Wala naman diyan kanina ah!

"Gawin niyo na." utos niya ulit na ikinapangunot ng noo ko.

Gawin ang alin?

Napaigik ako sa sakit nang bigla akong sinuntok nung isang lalaki sa tagiliran. Pagkatapos ay sunud-sunod na mga suntok ang binigay niya sa kin.

Gagong to! Ginawa pa kong punching bag!

Nang huminto yung lalaki ay lumapit sa kin si Bettina.

"Ngayon pa lang Iris ay binabalaan na kita, kung inaakala mong makakauwi ka pa ng buhay... nagkakamali ka. I will kill you slowly... just to make Zeus' and Falcon's suffering longer. Para kung kelan lugmok na lugmok na sila... saka ako kikilos, at tuluyan ko nang mapapabagsak ang dalawa sa pinakakilalang mga tao sa underground world!" nakangisi niyang sabi.

Hinawakan ko ng mabuti yung hook saka ay hinila ang buo kong katawan pataas. Mahigpit na ipinulupot ko ang mga paa ko sa leeg ni Bettina.

Nanlaki ang mga mata niya at pilit na kumawala sa kin. Lumapit sa min yung dalawang lalaki at tinulungan yung nasasakal nilang amo. Kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagkakapulupot ng mga binti ko sa leeg niya.

"Papatayin mo ko? Sasaktan mo ang asawa't kapatid ko?! Sige lang! But let me just tell you that I won't go down without a fight! Sinusumpa kong mamatay man ako, mumultuhin kitang bruha ka at ibabalik kita sa impyernong pinanggalingan mo!" nanggagalaiti kong sigaw.

Naluwagan ang pagkakapulupot ko nang biglang makaramdam ako na may tumama sa likod ko.

Sunud-sunod iyong lumatay sa likod ko kaya tuluyan kong nabitiwan si Bettina.

Napahinto ang nasa likod ko sa ginagawa niya at lumapit kay Bettina na nasa harap ko at ubo ng ubo. Inalalayan siya nung dalawang lalaki.

"Akin na yan!" sigaw niya at hinablot ang hawak nung lalaking galing sa likod ko.

MTTDM2: Raven's WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon