12th Feather: The Queen's Move

60 3 1
                                    

Blinded by their jealousy,
The queen has made her way.
They'll bow to her someday,
But right now they must pay.

---

Iris' POV

Mukhang hindi na kami nasundan nung mga humahabol sa min.

Dapat lang no. Eh halos magpaikot-ikot kami sa buong Pinas maiwala lang yung mga yun.

"Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Tatakas tayo sa kanila pagkatapos kung kelan okay na tayo, susulungin na naman nila tayo. Habul-habulan? Hide and seek lang? Patintero? Sawa na ako sa laro nilang to!" ani ko pagkaupo ko sa couch ng safehouse na pinagdalhan sa min ni Reina.

"Kami rin naman Iris, sawa na sa habulan. Kaso wala tayong choice kasi nasa dehadong side tayo." ani naman ni Trez na naupo sa isang bakanteng upuan.

"Pero just to be honest, kating-kati na ang kamay kong makaganti sa kung sino mang putangina ang humahabol sa tin." ani naman ni Reina na pinanggigilan ang throw pillow sa tabi ko.

"True. Gusto ko nang masakal ang kung sino mang dumukot sa Ate ko, ang pumatay sa tatay ko at ang gustong pumatay sa tin ngayon." nanggigil na sabi ni Astrid.

"Pero may plano naman sina Zeus about that, right?" ani naman ni Doc Belle na ikinailing ko.

"It might take some time for Zeus to discover the real identities of our enemies." ani naman ni Den na tinanguan ko.

"Tama si Den. Wala pa ring matibay na lead sina Zeli Zeli bukod sa impormasyong ibinigay ni Kuya at Ate Ashley sa kaniya. We're out of information, and the enemy is already unto us. We're running out of places to hide... and we're running out of time to figure everything out." ani ko.

"Unless..." ani ni Trez na ikinatingin namin sa kanya.

"Unless what?" tanong ni Reina.

"Unless kumilos na rin tayo. The more brains and hands to work, mas mapapabilis ang trabaho. Mas maaga tayong makakakilos. And if maaga tayong makaka-aksyon, they won't see what will hit them. And we will hit them sooo hard, they'll have no choice but to surrender!" sagot niya na ikinangiti ko.

"And here I thought ako lang ang may ganong ideya." ani ko na ikinairap ni Trez.

"Wow ha, coming from you?" ani ni Astrid na ikinalabi ko.

Kelan ba papanig sa kin ang mga to?

"Guys, I need to tell you something." ani ni Den na ikinalingon namin sa kanya.

What?

Anong meron?

"Bakit Den? Nasundan ba tayo ng kalaban? May tama ka? Where?!" tanong ni Nurse Veil na agad binuksan ang dala-dala niyang bag na may lamang mga medical supplies and gamot.

"Hindi. It's about those people who attacked us, I may have placed a tracker on them during all the chaotic fighting and chasing." sagot ni Den na ikinapanlaki ng mga mata ko.

"Waaah~ Ang talino mo talaga Den Den!" nagtatatalon kong sigaw.

Yayakapin ko sana siya kaso~

"What the? Don't call me fucking Den Den." puno ng lason na sabi ni Den na ikinalabi ko ulit.

Sungit.

"I think we already have a lead." nakangiting sabi ni Astrid na ikinangiti rin namin.

Mukhang magsisimula na ang laban.

Hihihi

-----

Reina 's POV

"Seryoso kayo? Sasama kayo sa min?" tanong ni Iris kina Doc Belle at Nurse Veil.

MTTDM2: Raven's WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon