Sa kalagitnaan ng gabi ay maririnig ang mga sigawan mula sa tahanan ng mga Evandre.
"So you will really give everything to Bettina?" tanong ni Karlos sa ama niya.
Kasalukuyang nasa opisina ng ama niya si Don Conrado at Karlos.
Bakas ang pinaghalong curiousity at disappointment sa mukha ni Karlos.
Simula nang binitawan ni Bettina ang mga sinabi niya nitong umaga ay hindi na mapakali ang isip ni Karlos. Kung kaya't umuwi kaagad siya ng Batangas para tanungin mismo ang ama.
Nagsalin ng scotch ang Don bago hinarap ang anak.
"I mean, why not? She's going to be your wife anyway." kibit-balikat niyang sagot saka ay uminom ng alak mula sa baso.
"But I was supposed to inherit the business, Dad! I'm your son!" reklamo ni Karlos.
Don Conrado laughed.
"You? Running the business?" mapangutyang pahayag ng Don. "Nevermind. Malulugi lang tayo at mauuwi sa wala lahat ng pinaghirapan ko." naiiling na dagdag niya saka ay inubos ang scotch.
"But Dad."
Marahas na nilingon ni Don Conrado si Karlos.
"Enough Karlos! I am giving this business to Bettina, so deal with it!" sigaw nito.
Napayuko na lang ang nagpipigil sa galit na si Karlos.
Iniisip niya kung bakit ayaw na ayaw ng ama niyang ipamana sa kanya ang negosyo nila kahit na siya na lang ang natitirang anak nito.
"Ba't kasi napaka-incompetent mo? Kung hindi ka sana bobo at duwag, siguro sayo ko ipapamana ang negosyo ko." naiiling na sambit ng Don. "God, how I wish ikaw na lang yung namatay at hindi ang Kuya mo."
Kaagad na nagpantig ang mga tenga ni Karlos sa sinabi ng ama.
Itinaas ni Karlos ang mga mata niya na puno ng puot at galit, at itinuonito sa direksyon ng ama.
"Bawiin niyo ang sinabi niyo, Dad." mabigat na wika ni Karlos.
Nginisihan siya ng Don na mas ikinainis ni Karlos.
"Or what?" sambit ng Don.
Biglang bumunot ng baril mula sa likod niya si Karlos at walang pagdadalawang-isip na binaril ang ama sa dibdib. Kaagad na napaluhod ang Don at sinapo ang tinamaang parte ng dibdib.
Nagtataka at galit na nilingon niya ang anak.
"Sumusobra na kayo! I've had enough of you and your favoritisms!" sigaw ni Karlos.
Napapikit ito sandali bago niya ibinalik sa ama ang ngayo'y lumuluha niyang mga mata.
"To tell you honestly Dad... It was me who killed Ferdie."
Nanlaki at halos lumawa ang mga mata ng Don sa narinig.
"I was the one who pushed him on that cliff!" dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Action[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...