.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
Astrid's POV
Pagkatapos naming mag-impake ay kaagad rin kaming bumiyahe papunta dito sa bahay nina Zeus.
Mukhang naipaayos to at naibalik sa dati habang kami nagtatago sa isla.
Pagkatulog nung dalawang chikiting ay bumaba kami dito sa sala nina Nurse Veil, Hera, Denise at Ate Ashley.
Hindi ko alam pero kanina pa talaga ako hindi mapakali.
Hindi ako makatayo o makaupo sa iisang lugar dahil maya't maya ay nago-ovethink ako.
Mukhang ganun din si Hera dahil pareho kaming paroo't parito ng lakad.
"Umupo nga kayong dalawa. Kanina pa ko nahihilo sa inyo." reklamo ni Denise habang nakapikit na hinihilot ang sentido niya.
Napahinto ako saka ay humarap sa kanya.
"Eh, kinakabahan kasi ako. Pano kung mag-fail sila sa pagsagip kay Iris? Pano kung napahamak na sila dun?" nag-aalala kong sabi.
"Den is right, Astrid. You should sit down. Besides, walang magagawa ang pag-aalala natin dito. Why don't we just get Iris' room ready?" sabi naman ni Ate Ash.
Nahinto naman si Hera sa paglalakad.
"You already did that, Ashley." wika ni Hera na ikinangiwi ni Ate.
Isa pa tong si Ate. Kanina pa aligaga at paulit-ulit na chini-check yung kwarto ni Iris.
"Wag nga kayong praning diyan. Pati ako nai-stress sa inyo." sabi naman ni Denise.
"They're here!" biglang sigaw ni Nurse Veil na ikinatakbo namin papunta sa may pintuan.
Pagkabukas namin nung pinto ay eksakto pagkababa naman mula sa van sina Dev, Doc Belle, at Trez.
"Get our surgery supplies ready!" sigaw ni Doc Belle sa direksyon namin.
Kaagad na tumakbo papasok ng bahay sina Denise at Nurse Veil. Habang kami naman ay dali-daling lumapit sa kanila.
Binuksan ni Trez yung likod ng van at pumasok sa loob sina Doc Belle at Trez.
Mabilis akong lumapit para tumulong.
"One, two, three!" bilang ni Doc Belle bago nila ibinaba ang isang stretcher mula sa likod ng van.
"Anong nangyari?" tanong ni Hera.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat at hilakbot nang makita ang hitsura ni Iris na nakahiga sa stretcher at walang malay.
Marami siyang sugat na mukhang madalian ang pagkakabenda, may black eye ang isang mata habang namamaga naman yung isa. Yung buhok niya, gulo gulo at nag-matte na.
Tapos yung damit niya... Dyusme.
"Oh My God, Iris!" sigaw ni Ate Ash nang makita na niya ang kabuoan ni Iris.
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Aksiyon[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...