6th Feather: Raven's Feathers

558 17 4
                                    

As everything falls down,
Hope will make way.
For those who lost their faith,
For those who lost their ways.

---

Iris' POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Pati na rin sina Zeli Zeli, Reina at Hera.

Iyak kasi ng iyak sina Reize at Flame.

Kahit anong gawin namin ay ayaw tumahan.

Hindi na nga namin alam kung ano ang gagawin hanggang sa dumating sina Doc Belle at Nurse Veil.

Ang sabi ni Zeli Zeli ay may malaking utang na loob sa kanya sina Doc Belle at Nurse Veil kaya tinutulungan nila kami kahit na nasa alanganin kaming sitwasyon.

"Ano po bang problema a iyak ng iyak yung mga bata?" tanong ko.

"I think nalipasan lang sila ng gutom that's why." sagot ni Doc Belle.

Napakagatlabi ako habang napansin ko ang malungkot na mukha ni Hera.

Tumuloy sina Doc Belle at Nurse Veil sa dalawang bakanteng kwarto nitong bahay na tinuluyan namin.

Teka, kaninong bahay nga pala to?

"Iris..." narinig kong tawag ni Zeli Zeli pagkapasok namin sa kwarto namin.

Napanlingon ako sa kanya at nakitako ag pag-aalala sa mga mata niya.

"Zeli Zeli, kanino tong bahay?" tanong ko.

"Yours." sagot niya saka niya ako niyakap.

Akin?

Kelan pa ako nagkaroon ng bahay?

Hala! Eh wala nga akong kapera-pera eh!

"Ha? Panong naging akin eh ni-singkong duling wala ako?!" mahina kong sigaw.

Naramdama ko ang mahinang paggalaw ng mga balikat at dibdib niya.

"It's a conjugal thing." aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Conjuring?" tanong ko na ikinatawa na naman niya.

"It's conjugal my sweet sweet wife. Meaning, what's mine is yours. This house is mine and so it also belongs to you." aniya na ikinatango-tango ko.

Ganun pala yun.

"Wife."

Napalingon na naman ako sa kaya.

"Am I being too selfish?" tanong niya na ikinakunot na nman ng noo ko.

Naku! Maraming beses nangunot ang noo ko ha! Baka mamaya magmukha na akong ampalaya!

"Am I being too selfish by dragging everyone...especially you and Reize in this mess?" pagpapatuloy niya.

"Zeli Zeli naman eh! Wag kang magsalita ng ganyan!" malungkot at nakalabi kong sabi.

Pero nanatiling malungkot at nag-aalala ang mga mata niya.

At masakit makitang nagkakaganito ang asawa ko ngayon.

"Aren't you getting tired of this chase?" tanong niya.

"Pagod na rin naman ako sa ganito Zeli Zeli. Pero, hindi lang naman ako ang napapagod at nahihirapan sa sitwasyon natin ngayon." sabi ko.

"Alam mong hindi ko gugustuhing manatili sa isang lugar na hindi tayo sama-sama." sabi ko pa.

Ngumiti siya pero nanatiling malungkot ang mga mata niya

MTTDM2: Raven's WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon