Our paths has finally crossed,
On our lives crossroads.
It's a battle of brains and emotions,
But who's going to reach the end first?-----
Iris' POV
Walangyang Bettinang yun!
Halos mayupi ko yung mouse na hawak ko dahil sa galit nang makita ang sinend ni Bettina na picture nina Reina, Trez, at Den sa kin.
At hindi pa nakuntento ang bruha!
She even demanded to hand me over in exchange for my friends' freedom!!!
"Iris, relax. It's a trap." paalala ni Astrid sa kin.
Napapikit na lang ako sa inis.
"Uhhhm, so anong plano? Hindi naman pwedeng pabayaan na lang natin yung tatlo sa kamay nina Bettina, di ba?" tanong ni Nurse Veil.
"But it's Iris they want in exchange! Hindi naman pwedeng ipalit natin ng ganun-ganon at basta-basta na lang si Iris, di ba?" sagot naman ni Doc Belle na karga-karga si baby Reize.
Ghaaad, I need to think properly!!!
Napabuntong-hininga ako ng malalim saka ay kinuha si Reize kay Doc Belle na inihilamos na ang sariling laway niya sa mukha niya.
Napangiti na lang ako.
Ang cute talaga ng baby ko, kung andito lang ang tatay mong gwapo---
Napabuntong-hininga na naman ako.
Paglaki ni Reize, matutulad rin ba siya sa min ng tatay niya na magulo ang buhay?
Hayyy buhay~
I need air. I need to breathe. I need to think.
"Iris, san ka pupunta?" tanong ni Astrid sa kin nang makita niya akong papalabas ng bahay kasama si Reize.
"Magpapahangin lang saglit." sagot ko kay Astrid saka ay lumabas ng bahay at naglakad papunta sa isang bench na nasa may garden nitong bahay na pinagdalhan sa min ni Reina.
"Ma?" nagtatakang tanong sa kin ni Reize.
Nginitian ko lang siya at hinalikan ang noo niya.
"Sana andito ang tatay mo para tulungan akong magdesisyon sa mga ganitong bagay, baby." bulong ko sa kanya.
"Mam- gwaa!"
"Alam ko, miss ko na siya. Hindi na ko makapag-antay na makita ko ulit siya at sina Kuya, sina Ate Ash, si Sebby, sina Dev, Paris, sina---" napatigil ako sa pagsasalita dahil naramdaman kong umiiyak na pala ako.
"Ma?" tanong ni Reize na ikinailing ko.
"Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Ano bang dapat kong gawin baby para maligtas sina Reina?" malungkot kong tanong sa anak ko.
Halos mapatalon ako nang biglang mag-ring yung cellphone na nasa bulsa ko.
'Unknown Caller' yung nakalagay kaya hindi ko sana sasagutin.
Yun nga lang napindot ni Reize yung recieve icon kaya nasagot yung tawag.
Nakakalokang bata!
Sina-sabotage mo ba yung location natin baby Reize?
'Ate Iris?'
Eh? Ate?
Kelan pa ko naging Ate?
'It's me Ath.'
Ath? As in Athena Enrique, kapatid ng irog at sinisinta ko?
Baby Ath?!
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Action[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...