She was crazy to begin with,
A crazy innocent girl through and through.
But now that she's been trained,
She had become dangerous too.---
Iris' POV
Habang nagti-training kami nina Trez sa boxing ring ng mansion ay biglang tumunog ang alarm na nagsisignal kung may paparating na tagalabas.
Akala namin nina Trez na simpleng delivery lang yun ng mga food supply namin nang biglang may narinig kaming pagsabog.
"SHIT! Sinusulong tayo ng mga kalaban!" sigaw ni Trez kaya agad kaming napatakbo papasok sa mansion.
"Imposible naman ata yun. Heavily secured ang islang to di ba? Pano nila nagawang makalusot?" nagtatakang tanong ko.
Pasimple akong kumuha ng isang baril at tatlong magazine saka iyon isinuksok sa likod ko.
"Hindi ko rin alam. Pero totoo ata talaga na 'kung gusto may paraan'." sagot naman ni Trez sa kin.
Naabutan kong karga-karga ni Doc Belle si baby Reize habang mukhang naghihysterical na si Nurse Veil sa tabi nito.
"Oh Em Gee! What to do?! What to do?! What to do?!" hysterical na sigaw ni Nurse Veil hawak hawak ang ulo niya.
"Relax. Let's do this as calm as possible, okay?" ani ni Den na mukhang naghi-head count sa min.
"Kompleto na ba tayo?" tanong ni Reina na humahangos pa.
"Oo, tara na. Mukhang papalapit na sila." sagot ni Den na nakatingin sa isang tablet.
Agad kaming kumilos papunta sa kabilang bahagi ng isla kung saan may ilang pump boat na nakadaong.
Ang kaso bago pa kami makalapit sa parteng iyon ng isla ay isang malaking pagsabog ang narinig namin. Nang dahil dun biglang umiyak si baby Reize.
"Shit! Ano nang gagawin natin?!" sigaw ni Nurse Veil.
"Sa East Side, may nakita akong yate doon." ani ni Doc Belle habang inaalo ang anak ko.
"Okay, tara." aniko at saka binunot ang baril na pasimpleng isinuksok ko kanina sa likod ko nung papalabas na kami sa mansion.
Napansin kong bumunot na rin ng kaniya-kaniyang baril nila sina Reina at Trez.
Napatingin ako sa umiiyak pa rin na si baby Reize.
"Ayun na yung yate!" ani ni Nurse Veil.
Nauna sa taas si Reina para siguraduhing safe ang yate habang naka-alerto naman kaming naiwan sa baba.
"Okay guys! Tara na!" sigaw ni Reina at isa-isa na kaming umakyat sa yate.
Eksaktong pagkaakyat namin ni Trez sa yate ay umalingawngaw ang putok ng baril.
"Paandarin niyo tong putanginang yateng 'to!" sigaw ni Den.
"Sandaleee!" sigaw naman ni Reina na agad tumakbo papasok ng yate habang naiwan naman kami ni Trez sa labas para pigilan ang mga kalaban.
"Matagal pa ba yan?! NAUUBOS NA YUNG BALA NAMIN PERO TONG MGA HAYOP NA TO PARANG LANGGAM LANG EH!" sigaw naman ni Trez.
"Kayo kaya dito?! Putangina lang eh no?!" sigaw naman ni Reina galing sa loob.
Huminga ako ng malalim saka ay tumayo at isa isang inasinta ang mga kalaban na papalapit na sa yate.
"Diyusmio Iris! Dumapa ka nga!" sigaw ni Astrid na hindi ko lang pinansin.
Hindi ko alam pero parang nagii-slow motion ang lahat sa kin.
Parang nakikita ko yung mga bala?
May ganun ba?
BINABASA MO ANG
MTTDM2: Raven's War
Acción[MTTDM BOOK 2] Betrayed by Falcon for killing Ashley and her Uncle, Iris is now extracting her revenge while keeping her remaining family safe against her own brother. With the help of her new trustworthy friends, her baby, and her irog, Iris will f...