TACIMH: Prologo

22K 437 23
                                    

WARNING: This story may contain harsh, curse, violent or vulgar words/scenes which are not appropriate to the young readers. Please read at your own risk. (This warning is for the whole story.)

MAILAP ang aking paningin, sinusubukan kong mas iyuko pa ang aking ulo para lang hindi magtama ang paningin namin ng boss ko. Kung pwede lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko na.

"You are fired!" Umalingaw-ngaw ang baritonong boses na iyon sa loob ng aming departamento, boses iyon ng boss namin.

Sa aking palagay ay hindi na naman nito nagustuhan ang trabaho ng empleyadong iyon kung kaya't umuusok na naman ang ilong nito ngayon.

Bigla nalang nahulog ang suot kong eyeglass na lumikha ng ingay sa tahimik na paligid. Napakagat-labi ako dahil sa kaba na bigla kong naramdaman. "Pahamak naman" Bulong ko sa aking sarili habang pigil ang paghinga.

Dahan-dahan at maingat akong yumuko upang pulutin ang nahulog kong eyeglass. Iniiwasan ko na maging agaw-pansin lalo na ngayon na bumabalot ang tensiyon sa loob ng departamento. Mahirap na, baka ako ang balingan ng galit ng arogante naming boss.

Napangiti ako no'ng sa wakas ay nahawakan ko na ang aking eyeglass. "Salamat naman" Usal ko pa bago mabilis iyong isinuot.

Nang mag-angat ako ng mukha ay halos mahulog ako sa aking kinauupuan dahil ang tumambad sa aking paningin ay ang boss namin. Inayos ko pa ang aking salamin para mas maaninaw ito. "S-sir?"

Nagtama ang mga mata namin nito. Walang emosiyon ang mukha habang nakatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit titig na titig ito. Sa aking pagkakaalam ay ito ang unang beses na nagtama ang mga mata namin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa aking sarili habang pinapakiramdaman ang mukha. Sa tingin ko naman ay wala dahil kahit hindi ako nakaligo kanina ay nagawa ko namang maghilamos.

Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa kaba no'ng bigla nalang may pumasok sa aking isipan. "Aalisin na rin ba ako nito sa trabaho?"

"S-sir? Ah--eh---"

"Come to my office" walang emosiyon na putol nito sa iba ko pang sasabihin.

Naguguluhan na tumingin ako sa paligid, hindi ko kasi alam kung tama ang narinig ko. Pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako lalo na no'ng makita ko na halos lahat ng mga tao sa loob ng departamento ay nakatingin sa akin. Hindi ako makapaniwala dahil ito ang unang beses na binigyan ako ng mga ito ng pansin.

"Are you deaf?" Pukaw sa akin ng boss namin kung kaya't muli akong napatingin dito. Nakakunot na ang noo nito ngayon. "Annoying" Dagdag pa nito bago nagsimulang maglakad patungong opisina.

Napapahiyang sumunod naman ako dito habang nakayuko at nilalabanan ang kaba. Ano kayang gagawin namin sa opisina nito?

Naunang pumasok sa opisina nito si sir. Naiwan naman ako sandali sa labas upang kumuha muna ng lakas ng loob.

Pagkatapos kong magpakawala ng isang malalim na hininga ay pumasok na rin ako. Agad akong napapitlag at nanlaki ang mga mata no'ng ang sumalubong sa akin ay isang baril. Nakatutok ngayon sa ulo ko ang baril ni boss. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nagtaas ako ng dalawang kamay bilang pagsuko. Ipinikit ko rin ang mga mata ko dahil sa takot. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili pero hindi ko magawa.

"S-sir--- h-huwag niyo po a-akong babarilin, h-hindi pa ako p-pwedeng ma-matay. K-kailangan pa po ako ng n-nanay at kapatid ko. At hindi rin po t-tama na p-pumatay ka-kayo ng----"

"What the hell are you talking about?"

Pigil ang naging paghinga ko no'ng marinig ko ang boses nito. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakaupo pa rin sa swivel chair nito si sir pero hindi na nakatutok ang baril nito sa akin dahilan para mabawasan ng kaunti ang aking kaba. Kaunti lamang dahil hawak pa rin nito ang baril habang sinisipat-sipat. Dahan-dahan ko namang ibinaba ang aking mga kamay habang patuloy na nakikiramdam. Ano bang problema nito?

"Come closer" wika nito na muling nagpapitlag sa akin. Muli nitong itinutok ang baril sa akin at para bang sinisipat pa ako kaya lalong sumikbo ng mabilis ang aking dibdib.

"Huh?"

Kung dati ay gusto ko na maranasan na mapansin ako ng mga ka-trabaho ko, ngayon ay hindi na. Ayoko na ng atensiyon lalo na kung may kasama iyong baril.

"Did you hear me or not? Do I really need to repeat my goddamn words or you want me to pull the trigger of my----"

"N-narinig ko, s-sir. S-sorry, s-sir" Kinakabahan na wika ko bago mabilis na lumapit dito. Pinagpapawisan na rin ako ng malagkit dahil sa kaba.

"Good" wika nito bago ito may inilapag na papeles sa aking harapan. "Sign this"

"Po?" Sinalubong ko ang mga tingin nito na agad ko rin namang pinagsisihan dahil nakita ko kung paano nito kinasa ang hawak nitong baril. "P-pipirma na po" wika ko bago mabilis na nag-iwas dito ng tingin.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang ballpen. Kahit gusto kong basahin ang nakasulat sa papel ay hindi ko magawa dahil pahulog-hulog ang salamin ko sa mata at nakikiramdam ako sa pwedeng gawin sa akin ng boss ko. Bahagya ring natatakpan ng braso nito ang papel.

"Make it fast" wika pa nito sa naiinip na boses.

"O-opo, sir" sagot ko bago mabilis na pinirmahan ang papeles. Wala na akong pakialam kung papel ba iyon sa pagpapaalis sa akin. Sa tingin ko ay hindi ko na rin naman kayang tumagal pa dito pagkatapos akong tutukan ng baril ng boss ko. "T-tapos na, sir. S-sige po, a-aalis na ako" wika ko bago ito mabilis na tinalikuran.

Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang no'ng muli itong magsalita na halos magpatalon sa akin. "When will you move in to my house?" Tanong nito na nagpakunot sa aking noo.

Ano daw?

Dahan-dahan akong umikot para harapin ito. "Po? Ano pong ibig niyong s-sabihin? B-bahay niyo po? M-may bahay ako, s-sir" Natataranta na wika ko. Hindi ko ito maintindihan.

Napakamot ito sa kilay nito. Itinaas nito ang papeles na pinirmahan ko. Napakunot-noo naman akong lalo dahil hindi ko ito maintindihan. Anong meron sa papeles? "This is our marriage contract. You are now my Mrs. Adam Yvano Monreal. And wife should stay with her husband" wika nito na unti-unting nagpabuka sa aking bibig at nagpalaki sa aking mga mata dahil sa gulat.

"ANO?" Reaksiyon ko noong ako ay makabawi.

Unti-unti namang lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin noong ito ay ngumiti. Isinandal nito ang likod sa inuupuan nitong swivel chair at nagpakawala ng isang malalim na hininga pagkatapos. Walang gana na tumingin ito sa mga mata ko.

"So when will you move in to my house Mrs. Celestina Esperanza Villaruel Monreal?"

🌱 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon