Celestina EsperanzaMADILIM ang paligid. Tahimik na para bang wala na iyong buhay.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Masyado na iyong malungkot ngayon.
Napahawak ako sa aking labi nang muli kong maalala kung bakit ako nagising. Pakiramdam ko kasi ay mayroong lumapat sa aking labi na mainit na bagay.
Napabuntong-hininga nalang ako at napailing. Siguro'y namalikmata lang ako.
Nagtungo ako sa kusina nang kumulo ang aking tiyan. Simula nang mamatay si inay ay hindi pa ako nakakain ng maayos. Sadyang nakakawala pala ng gana kapag nawawalan ng mahal sa buhay lalo na kung isang ina ang nawala sayo.
"Hanggang kailan ka malulungkot, friend?" Tanong sa akin ni Vivian na ngayon ay bumisita sa akin. "Isang buwan nang wala si tita" Dagdag pa nito kasunod ng malalim nitong paghinga. Alam kong sobra na itong nag-aalala sa akin.
"And by doing this, you are also hurting my uncle so much" wika naman ni Larky sa mahinang tinig pero sapat lang upang marinig ko.
Ilang linggo nang hindi umuuwi si Adam simula nang sabihin ko dito na maghiwalay na kami. Hindi ito pumayag sa desisyon ko pero binigyan ako nito ng pagkakataong mag-isip.
Napayuko ako at napakagat-labi. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag lumuha.
"Huwag mong hayaang talunin ka ng lungkot mo, friend. Hindi ganito ang gustong mangyari ni tita. Alam mong gusto niyang nakikita kayong masaya ni Tina" wika pa ng aking kaibigan.
Tama ang bestfriend ko. Palaging kaligayahan ang hangad sa amin ni inay.
"Huwag mo ring itaboy ang taong handa kang damayan sa lahat ng pasakit at lungkot. Huwag mong hayaang lumayo ang taong mahal mo" seryoso namang wika ni Larky na ikinatingin ko dito. Nanibago ako bigla sa pagiging seryoso nito. Ngumiti ito sa akin ng bahagya. "Ikaw din, baka makuha ng iba si tito" Dagdag pa nito dahilan para hampasin ito ni Vivian sa braso.
"Gago ka ba? Bakit mo tinatakot ang bestfriend ko? Huwag mo ngang itulad ang tito mo sayo na babaero" Nakairap na suway nito kay Larky.
"Baby loves naman. Hindi naman na ako babaero e. Mga babae lang talaga ang lumalapit sa akin saka alam mo naman na sayo lang ako. Huwag kanang-----"
Marami pang sinabi si Larky pero hindi ko na inintindi pa ang mga ito dahil tahimik nalang akong nag-isip.
Pinahid ko ang luha sa aking pisngi nang makita ko ang mga pagkain na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Tama ako sa hinala ko, nagtungo na naman dito si Adam at katulad ng palagi nitong ginagawa ay lihim ako nitong inaalagaan.
Hindi na bago sa akin na palaging may nakahain na pagkain sa lamesa sa tuwing magigising ako dahil alam kong inihahanda iyon para sa amin ni Adam. At ngayon ko lang napagtatanto ang mga ginawa ko.
Mali na itinaboy ko ito.
Mali na nagpalamon ako sa lungkot.
Mali na kinalimutan ko ang mga taong nakapaligid sa akin.
Mali na kinalimutan ko ang gusto ni inay na mangyari sa amin ni Tina. Ang maging masaya.
"I'm sorry, nay. Pangako, aayusin ko na po ang sarili ko"
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...