TACIMH: Kabanata 26

9.7K 193 54
                                    


Adam Yvano

"Uncle? Gago! Gumising kana. Mawawala nalang sayo ang lahat, patulog-tulog ka pa. Tsk"

What the hell?

Napahawak ako sa aking sentido habang dahan-dahang bumabangon. Naniningkit pa ang mga mata na bumaling kay Larky na alam kong siyang umiistorbo sa akin ngayon. "What?" Sobrang sakit ng aking ulo na marahil ay dulot ng pag-inom ko kagabi.

Nagulat ako ng bigla ako nitong hampasin ng unan. "Gago! Huwag kana mag-what. Wala na ang asawa mo."

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. "What the hell are you talking about?" Wala akong naintindihan sa sinabi nito dahil sa sumasakit kong sentido ako nakapokus.

"Wake up, dude" Bahagya ako nitong binatukan dahilan para bigyan ko ito ng isang masamang tingin. Pero imbes na matakot ay muli lang ako nitong binatukan. "Wala na ang asawa mo, nilayasan kana. Sumama na sa Ivan na 'yon.Patulog-tulog ka kasi kaya ka iniiwan. Mahinang nilalang. Hindi ka tumulad sa pamangkin mo na-----"

"ANO?" Isa lang ang naintindihan ko sa mga sinabi nito. Bigla ay kumabog ng mabilis ang aking dibdib at nakaramdam ng pagkataranta. "Luma---" Natigilan ako ng bigla kong maalala ang pag-uusap ng asawa ko at ng gagong Ivan na iyon.

"P-pwede bang---- p-pwede bang ako nalang ulit?"

GAGO!

Agad na kumirot ang aking dibdib. Bigla ring nag-init ang mga mata ko.

"H-hindi 'yon maaari. Hell no!" Mabilis akong napabalikwas sa aking higaan at walang segundo na nakarating ako sa pintuan.

Pero bubuksan ko nalang sana ang pinto nang bigla akong natigilan at napaisip ng malalim. Nagsimula akong makaramdam ng panghihina at pag-iinit ng gilid ng mga mata. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng isang butil ng luha sa aking mata.

"Ano na, uncle? Akala ko ba'y susundan mo ang asawa mo? Kaaalis lang nila no'ng poging Ivan ba 'yon? Tsk! Mahinang nilalang."

"P-pwede bang---- p-pwede bang ako nalang ulit?"  Tanong ni Ivan sa asawa ko. Palihim kong pinagmamasdan at pinapakinggan ang mga ito.

Nakita ko kung paano natigilan ang aking asawa. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng selos ng titigan nito si Ivan na para bang pinag-aaralan nito ang ekspresiyon ng gago.

Damn! Hindi ako tinititigan ng ganyan ng asawa ko. She never do that.

Gusto ko sanang higitin ang asawa ko palayo pero bigla akong nawalan ng lakas ng makita ko ang masuyo nitong paghawak sa kamay ng gago.

TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon