"A-are you not sure with me because you are sure with someone else?" Bungad sa akin ni Adam ng makapasok ako sa kwarto namin. Naabutan ko pa itong nakasalampak sa lapag habang umiinom ng alak.Agad akong napakunot-noo sa naging tanong nito. Hindi ko alam kung ako ang kausap nito dahil nakatitig lang naman ito sa wine glass, mukang lasing na ito. Kararating ko lang galing business gathering kung saan hindi ko na ito natagpuan pa doon pagkatapos kong makausap si Ivan. Mabuti nalang at hinatid ako ni Larky pauwi kahit pa labag sa loob dahil ang gusto nitong ihatid ay ang bestfriend ko.
Naguguluhan na pinagmasdan ko si Adam na ngayon ay todo tungga sa alak. Ano bang problema nito? Hindi ko nalang ito pinansin.
"A-and you are d-damn ignoring me" Narinig kong wika nito sa nagtatampong tinig.
Muling kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng mga hikbi. Mabilis akong lumingon kay Adam. Napamaang ako ng makita ko itong humihikbi habang yakap-yakap na ang bote ng alak.
"M-my beautiful wife... is ignoring me" wika pa nito sa pagitan ng mga hikbi. What the? Bakit ito umiiyak?
Hindi ako makapaniwala na kinakausap nito ang bote, niyayakap at sinasabihan pang maganda. Samantalang ako ay hindi pa manlang nito nasasabihan ng gano'n. Napabuntong-hininga ako sa naisip, para kasing pati bote ng alak ay pinagseselosan ko. Selos?
"A-Adam?" Agaw atensiyon ko nalang dito kahit pa labis-labis ang kaba.
Mapupungay naman ang mga mata na tumingin ito sa akin. "W-wife?" Inaninaw pa ako nitong mabuti. He's so cute. "Wife!" Bigla itong nasabik ng makilala ako, ngumiti pa ito ng pagkalawak-lawak.
Nag-init ang pisngi ko ng bitiwan nito ang hawak na bote para ibuka ang mga braso para sa akin, parang sinasabi nito na lumapit ako para yakapin. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Iba na talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito. Pero ayokong aminin iyon dito lalo na't nasa eksena si Lorraine. Ayokong magmukhang tanga kung sakaling may gusto pa ang mga ito sa isa't-isa.
Napapabuntong-hiningang lumapit ako dito. Lasing na ito at hindi tamang pabayaan ko ito. Laylay ang mga balikat na itinikom nito ang mga braso nang hindi ko iyon tinanggap. "B-bakit ka ba kasi naglalasing?" Umupo ako sa harapan nito.
Hindi ito umimik, pinakatitigan lang ako nitong mabuti na siya namang nagpalunok-laway sa akin. Aalalayan ko na sana ito sa pagtayo pero pinigilan ako nito sa balikat. Bahagya pa akong napa-igtad ng dahan-dahang umangat ang kamay nito para haplusin ang pisngi ko. Mapait itong ngumiti habang may lungkot sa mga mata, hindi pa rin bumibitaw ang titig nito sa akin.
Napamaang ako ng unti-unting dumaloy ang luha sa pisngi nito habang hinahaplos ang aking pisngi. Ito ang unang beses na makita ko itong parang nanghihina. "A-anong problema?"
Nagulat ako ng isinubsob nito ang mukha sa leeg ko.
"I-I told you to s-stay away from him... but you d-didn't." Hindi ko ito maintindihan. Patuloy itong lumuluha at pakiramdam ko ay nasasaktan ako. "I-I told you to... to w-work this out. But... But, am I-I really n-not that good? A-am I not the b-best choice? A-are you going to c-choose him over... me?" Garalgal na ang boses nito.
Napaliyad ako ng higitin ako nito para tuluyan na akong yakapin. Niyakap ako nito ng mahigpit na para bang sabik na sabik ito sa akin. Naaamoy ko dito ang alak. "I-I want you to be mine, w-wife. C-can you?" Bulong dito sa may tainga ko sa pagitan ng mga hikbi.
Napamaang naman ako sa naging tanong nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko rin magawang pakalmahin ang aking dibdib. Ngayon ay labis na ang pagpipigil ko sa aking hininga.
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...