Celestina EsperanzaNANG matanaw ko ang papalayong kotse ni Ivan ay saka pa lamang ako muling bumalik sa bahay. Sunod-sunod ang ginagawa kong pagbuntong-hininga para pakalmahin ang aking sarili.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit. Kanina lang ay parang ipinagtabuyan ako nito kay Ivan kaya hindi ko maintindihan kung bakit narito ngayon sa bahay ang gagong si Adam.
Masyado nitong ginugulo ang isip ko at para bang pinaglalaruan ako nito.
"At talagang hinatid mo pa ng tanaw ang gagong Ivan na 'yon" Agad na bungad sa akin ni Adam pagkapasok na pagkapasok ko palang ng pintuan.
Ikaw ang gago. Gusto ko iyong sabihin dito pero hindi ko ginawa dahil mas gaga ako noong nahulog ako dito.
Mahahalata sa mukha nito ang galit dahil panay galaw ng bagang nito na para bang kinokontrol ang sarili. Masama din ang pagkakatingin nito sa akin habang nakapamaywang at sunod-sunod na nagpapakawala ng malalalim na hininga.
Mabilis rin namang nag-init ang mga tainga ko sa ibinungad nito sa akin pero pinili kong pakalmahin ang aking sarili.
"Talaga bang sumaya ka sa gagong lalaking 'yon?" Tumawa ito ng sarkastiko. Napasabunot ito sa buhok nito at mabilis na niluwagan ang neck tie na suot. Ramdam na ramdam ko ang galit nito. Pakiramdam ko nga ay nawawala na ito sa sarili dahil sa sobrang galit. "Huh! Bakit nga ba ako nagtatanong? E muka namang sumaya ka talaga sa gagong Ivan na 'yon. You are fucking smiling with him!" Nanlilisik ang mga mata na dagdag pa nito.
Hindi ko pinansin ang galit nito. Galit din ako at ayokong dagdagan iyon. Naglakad na ako para sana lampasan ito.
Pero nagulat ako no'ng hinigit nito ang braso ko. Itinulak ako nito ng bahagya sa dingding para icorner. Sumalubong sa akin ang galit nitong mga mata. Nakaramdam ako ng takot pero sinubukan kong huwag ipahalata iyon dito. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko.
"I'm still talking to you. Huwag mo akong talikuran" May pagbabanta sa boses na wika nito.
Sinalubong ko ang mga mata nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosiyon na tanong ko dito na siyang nagpatigil dito.
Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. Hindi siguro ito makapaniwala na hindi ko pinansin ang galit nito. Mga ilang segundo ako nitong tinitigan bago tumawa ng sarkastiko.
"What? Are you really asking me that?"
"Kung wala kang sasabihing maganda, pwede bang umalis ka nalang? Pagod ako" wika nito na para bang mas ikinagalit nito ang huling salitang binitiwan ko.
"Did he make you tired on---- bed?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong nito sa akin.
Narito na naman tayo.
Lalong umahon ang galit ko para dito. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sinusubukan ko pa ring pakalmahin ang aking sarili.
Huwag mong iparealize sa akin na maling minahal kita.
Pero parang mali nga ako.
Nararamdaman ko na ang mga luhang gusto kumawala sa mga mata ko dahil sa aking naisip. At bago mangyari 'yon ay sinalubong ko ang mga mata ni Adam na puno ng galit. "Umalis kana" Malumanay pero nasa boses ang pagtitimpi.
"I'm still talking to----"
"Ayaw kitang kausap kaya umalis kana" Ulit ko pero parang wala itong maintindihan. "Umalis kana"
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...